Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pinapangarap na pagkakaroon ng Tenement Houses ng mga Urban Poor sa Lungsod ng Lucena nalalapit na ayon kay Mayor Dondon Alcala

Isang magandang balita ang inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Flag raising Ceremony ng pamahalaan panlungsod kamakai...

Isang magandang balita ang inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Flag raising Ceremony ng pamahalaan panlungsod kamakailan.

Ito’y sa kadahilanan na ang pinapangarap na pagkakaroon ng tenement houses ng mga urban poor association sa lungsod ng lucena ay nalalapit na.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, kamakailan ay nagtungo sila sa kamaynilaan kasama sina Lerma Fajarda OIC UPAD, Engineer Rhodencio Tolentino Head ng City Engineering Office at Ysrael Pelisco OIC ng City Assesor’s Office at ilan mga staff nito sa Head Office ng SHFC o Social Housing Finance Cooperation.

Ayon pa sa Alkalde, sa pagtungo nila sa naturang tanggapan ay nakausap ni si Atty. Arnolfo Ricardo Cabling Presidente ng SHFC at inipresenta nila prososal ng pamahalaan panlungsod na tenement houses para sa barangay marketview.

Sinabi nito na mayroon 5 Building at 3 storey ito, at ang bawat isang building aniya ay nagkakahalaga ng halos 62 milyong pesos at total appropriate dito ay nasa mahigit na 370 milyon peso.

Dagdag pa ni Mayor Alcala, sa kanilang pagpresenta ng nasabing proposal ay halos aprobado na ito ni Atty. Cabling at ito na rin umano ang haharap sa mga board of director ng shfc upang isubmit ang ating proposal.

Idinagdag pa ng punong lungsod na ang pagsubmit nila ng revision ay kunting kunti na lang at ito ay pagbibigyan na ng mga taga SHFC.

Samantalang ang mga tenement building na ito na pinapangarap ng mga mamamayang lucenahin lalo’t higit yong mga miyembro ng urban poor ay maisasakatuparan ngayon taon at magandang balita ito para sa lungsod ng lucena.

Kaya naman nagpasalamat naman ito kina Fajarda, Engr. Tolentino at Ysrael Pelisco dahilan sa ang mga ito ang nagpakahirap para sa nasabing tenement houses. (PIO Lucena- J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.