Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT DR. ANIANO OGAYON, HINIKAYAT ANG MGA ESTUDYANTE NA MAG-ARAL MAGBASA

Isa sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaang panlungsod para sa mga kabataang Lucenahin ay ang pagbibigay tulong sa mga ito sa pamama...

Isa sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaang panlungsod para sa mga kabataang
Lucenahin ay ang pagbibigay tulong sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng
gamit pang- eskwela.

Kamakailan ay namahagi na sa tinatayang kalahating bilang na ng mga pampuklikong paaralan
mapa elementarya man o sekundarya sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama
ang ilang miyembro ng sangguniang panlungsod at ang Schools Division Superintendent Dr.
Aniano Ogayon katulong ang sangguniang barangay at mga guro dito.

Kaugnay nito, sa naging pananalita ni Ogayon bilang bahagi ng programa, hinikayat nito ang
mga mag-aaral na nagnanais na makalaya sa kamay ng kahirapan sa pamamagitan ng
edukasyon, na makinig sa kanilang mga guro at mga magulang.

Binigyan na aniya ang mga ito ng mga gamit pang eskwela at ng sound system na magagamit
nila sa mahusay na interaksyon sa pag-aaral, ang kailangan na lang aniya nilang gawin ay ang
mag aral ng mabuti lalo na sa pagbasa para matuto ng mahusay at makakuha ng mataas na
marka at karangalang magbibigay kasiyahan sa kani-kanilang magulang na buong pusong
itinataguyod sila.

Gayundin ay nakiusap si Ogayon sa mga magulang ng mga mag aaral na turuan ang mga guro
lalo’t higit sa mga nanay na may panahon, kakayahan at dedikasyon na gabayan ang kanilang
mga anak sa pag-aaral ng mabuti at mahusay lalo’t higit sa aspeto ng pagbabasa.

Nanawagan din ito sa mga guro na turuan at gabayan ng tama ang mga mag-aaral na mapalago
pa ang kanilang reading comprehension o yung kakayanan na makapagbasa at maunawaan din
ang tekstong binasa.

Pinuri din ni Ogayon ang ilang mga paaralan na nagpatupad ng programang Brigada Basa sa
kanilang paaralan pati na din sa mga volunteers na nakiisa dito, bagamat ito aniya ay kulang pa
din.
Inilahad din ni Ogayon ang pangunahing dahilan aniya kaya hindi natututo ng maayos ang mga
estudyante, ito umano ay dahil sa hindi maalam o nahihirapang magbasa ang mga bata.
Tinatayang tatlo sa apat na mag aaral o pitumpo’t dalawang porsyento sa lungsod ang mga
nahihirapan o hindi pa maalam sa pagbabasa kasama na ang ilang mga nasa lebel ng
sekundarya.

Sa huli ay inaasahan ang pagtutulungan ng lahat ng kabahagi para itaas pa ang kaledad ng
edukasyon sa lungsod sa pamamagitan na din ng mga proyekto ng pamahalaang
panlungsod.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.