Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Unang batch ng pamamahagi ng libreng school supplies, dinagsa

Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing aktibidad kasama sina Konsehal Anacleto Alcala III, Benny Brizuela at Dan Zab...

Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing aktibidad kasama sina Konsehal Anacleto Alcala III, Benny Brizuela at Dan Zaballero, ABC President Jacinto “Boy” Jaca, at dating konsehal na si Amer Lacerna. (PIO LUCENA)


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dinagsa ng mga magulang at estudyante mula sa mga pampublikong paarlan ang isinagawang unang bugso ng pamamahagi ng libreng school supplies sa ilalim ng programang Libreng gamit Pang-Eskwela ngpamahalaang panlungsod kahapon ng umaga.

Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing aktibidad kasama sina Konsehal Anacleto Alcala III, Benny Brizuela at Dan Zaballero, ABC President Jacinto “Boy” Jaca, at dating konsehal na si Amer Lacerna. Kasama rin ng nasabing opisyales sina City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon at ang president ng PTA Federation Albert Borja.

Nagtungo ang grupo nina Mayor Dondon Alcala sa Lucena East 8 Elementary Shool, San Lorenzo Elementary School at Elvira Razon Aranilla Elementary School na kung saan sa pagtungo ng mga ito ay bakas na bakas sa mga mukha ng nagsipagdalo dito ang katuwaan sa pagtanggap ng nasabing libreng kagamitan.

Kasama rin ni Mayor Alcala sa pamamahagi dito si Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña. Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng mensahe ang mga nasabing opisyale na kung saan ay ipinabatid ni ABC President Boy Jaca sa tuwing aniya ay sasapit ang buwan ng pasukan ay palagiang inaalala ni mayor Alcala ang mga kabataang Lucenahin kung kaya’t nagsagawa siya ng ganitong uri ng programa na malaki ang naitutulong hindi lamang sa mga kabataang Lucenahin kundi maging sa mga magulang nito dahilan sa nakatitipid sila sa pagbili ng gamit ng kanilang mga anak.

Ibinahagi naman ni kKnsehal Benny Brizuela ang kaniyang naging karanasan sa katulad na pamamahagi noong nakaraang administrasyon na kung saan aniya ay mahigit lamang sa 11,000 mga kabataan ang nakatatanggap nito ngunit sa naging termino ni mayor Alcala ay mahigit sa 60, 000 mga mag-aaral na Lucenahin mula sa pampublikong paaralan ang nakakatanggap nito.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Councilor Anacleto Alcala III, ang proyekto aniyang ito ni Mayor Dondon Alcala ay isang paraan rin upang malutas ang isa sa mga nagiging problema ng mga kabataang Lucenahin na hindi nakapag-aaral ay dahilan sa kakulangan ng gamit ngunit sa pamamagitan aniya ng ganitong programa ay nagkakaroon nan g pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral na Lucenahin na magtungo sa mga paaralan at mag-aral at sa pagdating ng panahon ay makatapos ang mga ito.

Dagdag pa rin ni Councilor Third Alcala, sa pamamgitan rin ng proyektong Libreng gamit Pang-Eskwela, ang matitipid ng mga magulang na pambili ng mga gamit ng kanilang anak ay maari ng mga ito na gamitin sa iba pang bagay tulad ng gastusin sa kanilang tahanan.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na nasa limang taon na ang programang Libreng Gamit Pang-Eskwela na kaniyang isinasagawa para sa mga kabataang Lucenahin.

Buong ipinagmalaki rin ng alkalde na sa ilalim ng programang ito ay wala silang pinipili na pagbibigyang estudyante bagkus ay kanila itong ipinamamahagi sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lucena.

Ang pamamahaging ito ay taon-taon nang isinasagawa ni Mayor Dondon Alcala na kung saan ay nasa ikalimang taon na ito bilang pagtulong niya sa sector ng edukasyon sa lungsod.

Isang paraan rin ito ng alkalde upang matulungan ang mga Lucenahin na mabigyan ng libreng gamit pang-eskwela ang mga kabataang Lucenahin upang sa ganun ay mahikayat ang mga ito na pumasok sa mga eskwelahan at maengganyong mag-aral.

Dahil isa sa mga hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para sa mga mag-aaral na Lucenahin ay ang magkaroon ang mga ito ng maganda at maayos na antas ng edukasyon upang sa ganun ay maipagmalaki ang ito hindi lamang sa ating lungsod kundi maging sa buong bansa at sa buong mundo.(PIO Lucena/ R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.