Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

BILANG PAGGUNITA SA NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH NGAYONG BUWAN NG HULYO, LCDRRMO , PINANGUNAHAN ANG ISINAGAWANG REGULAR FLAG RAISING CEREMONY

“KATATAGAN SA KALAMIDAD AY MAKAKAMTAN, KAPAG SAPAT ANG KAALAMAN SA KAHANDAAN” AY ANG TEMANG NAGSISILBING BUOD NG LAYUNIN NG LUCENA CITY DI...

“KATATAGAN SA KALAMIDAD AY MAKAKAMTAN, KAPAG SAPAT ANG KAALAMAN SA KAHANDAAN” AY ANG TEMANG NAGSISILBING BUOD NG LAYUNIN NG LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE O LCDRRMO AT BILANG PAGGUNITA SA PAGDIRIWANG NGNATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH NGAYONG BUWAN NG HULYO, PINANGUNAHAN NG NASABING TANGGAPAN ANG ISINAGAWANG FLAG RAISING CEREMONY KAMAKAILAN KUNG SAAN INIHAYAG NG HEPE NITO NA SI JANET GENDRANO ANG MGA PROGRAMA AT AKTIBIDAD NA MATAGUMPAY NA NAISAGAWA NG KANILANG TANGGPAN SA LOOB NG 6 NA BUWAN.

AYON KAY GENDRANO, KAISA ANG LOKAL NA PAMAHALAAN AT MGA BARANGAY SA LUNGSOD AY MATAGUMPAY NILANG NAIDAOS ANG MGA INIHANDA NILANG PLANO NA TUMUTUGON SA APAT NA THEMATIC AREAS GAYA NG DISASTER PREVENTION AND MITIGATION; DISASTER PREPAREDNESS; DISASTER RESPONSE; AT DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY.

ISA NA NGA RITO ANG ARAW-ARAW NA PAGBABANTAY AT PAGMOMONITOR NG KANILANG TANGGAPAN SA MGA EARLY WARNING SYSTEMS SA LUNGSOD AT WATER LEVEL MARKER NA KASALUKUYANG NAGDEDETECT NG MGA POSIBLENG MANGYARING SAKUNA GAYA NG BAHA, LINDOL, MALAKAS NA PAG-ULAN AT STORM SURGE.

BINANGGIT RIN NITO NA SA PAMAMAGITAN NG PAGPIRMA NG MEMORANDUM OF AGREEMENT NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHONOLOGY O DOST AY MAGKAKAROON NA NG MAGAGAMIT NA INFROMATION DISSEMINTAION SYSTEM ANG LUNGSOD.

SA ASPETO NAMAN UMANO NG SOCIAL PROTECTION AY NAKAPAG INBENTARYO ANG KANILANG TANGGAPAN NG MGA CRITIKAL INFRASTRUCTURES SA LUNGSOD AT SA LOOB UMANO NG 2 BUWAN AY NAKAPAGSAGAWA ANG KANILANG TANGGAPAN NG DISTER RISK REDUCTION ANG MANAGEMENT TRAINING SA IBA’T-IBANG BARANGAY SA LUCENA.

PAGDATING NAMAN SA EFFICIENT WASTE MANAGEMENT, UPANG MAIWASAN ANG PAGDAMI NG MGA BASURA NA KAPAG NAPABAYAAN AY POSIBLE RING MAGING SANHI NG KALAMIDAD, NAGING KAIISA ANG LCDRRMO UPANG MAGKAROON NG SAPAT NA MGA KAGAMITAN ANG CITY SOLID WASTE MANAGEMENT OFFICE. NAKIISA RIN ANG KANILANG OPESINA SA MGA AKTIBIDAD GAYA NG DECLUGGING AT MANGROVE PLANTING SA IBA’T-IBANG LUGAR SA LUNGSOD.

NAGING KATUWANG RIN ANG LCDRRMO NG DEPARTMENT OF EDUCATION PAGDATING SA PAGPAPAKALAT NG MGA IMPORMAYSON UPANG MAGBIGAY NG KAMALAYAN SA MGA MAG-AARAL UKOL SA MGA SAKUNA AT MGA DAPAT NA GAWIN TUWING MAY KALAMIDAD.

PAGDATING UMANO SA FORMULATION NG MGA MANDATED PLANS, NAAPRUBAHAN NA RIN SA BISA NG SP RESOLUTION NO. 17503 ANG ISINUMITE NG AHENSYA N APLANONG PANGKALIKASAN.

GANUN DIN UMANO ANG 3 TAONG PLANO O 3YR DRRM PLAN SA BISA NAMAN NG RESOLUTION NO. 17505 PATI NA ANG LOCAL CLIMATE CHANGE ACTION PLAN NA INAPRUBAHAN NA RIN SA BISA NG RESOLUTION NO. 17504.

PINASALAMATAN DIN NI HENDRANO SI MAYOR DONDON ALCALA SA PATULOY NA PAGSUPORTA SA LAHAT NG PANGANGAILANGAN NG KANILANG TANGAPAN LALO’T HIGIT PAGDATING SA MGA KINAKAILANGAN NILANG MGA KAGAMITAN.

SA KATUNAYAN, BUKOD UMANO SA KASALUKUYANG PAG-SASAAYOS NG LCDRRM OPERATION CENTER, MAYROON NANG RESCUE VEHICLE, FIRE SAFETY EQUIPMENT, AT WATER SAFETY EQUIPMENT ANG KANILANG TANGGAPAN. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.