Upang magbigay linaw sa mga katanungan hinggil sa isyu ng nilagdaang Joint Venture Agreement ng Quezon Metropolitan Water District ...
Upang magbigay linaw sa mga katanungan hinggil sa isyu ng
nilagdaang Joint Venture Agreement ng Quezon Metropolitan Water District at PIC, tumugon sa ginawang pagpapatawg ng Sangguniang Panlungsod ang chairman ng
board of directors ng QMWD na si Atty. Vicente joyas.
Sa pagaapatuloy ng serye
tungkol sa pagtalakay ng isyu hinggil sa nasabing JVA, bukod kay Joyas, humarap
din sa isinagawang regular na sesyon kamakailan ang hepe ng city legal office
na si Atty Shiela de Leaon, city admin Anacleto June Alcala Jr, at Public Services Officer ng munisipalidad ng Pagbilao na si Joselito Merjudio.
Matatandaang nooong nakaraang
regular na sesyon ay dinala ni kon. Boyet alejandrino ang usapin hinggil sa di
umano’y iligal na pagkakaappoint ng gobernador sa mga kasalukuyang nakaupong
miyembro ng board of directors ng qmwd gayundin ng ano mang pinasok na
kasunduan nito.
Kaugnay nito, sa pagharap ni Atty. Joyas sa Sangguninang Panlungsod, bukod sa pagprepresinta ng kopya ng
council’s opinion of the office of the gov corporate council na siyang
nagreview ng kontarta at nagaproba ng jva, ipinakita rin nito sa konseho ang
screenshot ng website ng QMWD. Binigyang linaw rin nito ang ilan sa mga
katanungan ng marami, at isa na nga dito ang dahilan kung bakit pumasok ang mga
ito sa nasabing kasunduan.
Inamin ni Joyas na dahil sa
kasalukuyang sitwasyon ng qmwd kung saan marami na ang nagrereklamo sa kanilang
serbisyong patubig sa ilang mga lugar at kabahayan, pinasok nila ang jva sa
paniniwalang ito ang magiging remedyo sa problemang kinakaharap ng kanilang
tanggapan.
Ayon sa chairman, sa paglipas
ng panahon at paglobo ng bilang ng mga consumer hindi na sumasapat ang supply
na kaya nilang ibigay. Bagama’t may mga sinubukan na silang remdyo gaya ng
paggawa ng well sa ilalim ng lupa , sa pagdaan ng 5 hanggang 10 taon ay maiiga
na rin ito.
Bukod umano sa kakulangan ng
pondo upang magrehabilitate ang nasa halos 30 gulang na na mga linya ng tubo,
kailangan rin ng malaking pera para sa development ng mga ilog na pwedeng
panggalingan ng supply ng tubig.
Nagpahayag naman ng ibang
opinyon si joyas pagdating sa sinasabi ni Alejandrino na di umano’y iligalidad
ng pagkakaappoint sa mga myembro ng bod ng QMWD, iminungkahi nito na upang
malinawan ang lahat ay maaari namang dalhin ang isyu sa korte.
Tungkol naman umano sa hindi
pagkonsulta ng QMWD sa mga pinakamalaking konsesyonaryo nito bago pumasok sa
kasunduan lalo’t higit sa mga lucenahin na pinakamarami ang bilang, iginiit ni
joyas na wala umano sa guidelines ng neda na siyang sinusunod ng mga government
owned and controled corporations gaya ng qmwd.
Tiniyak rin nito na wala ring
mangayayaring pagtaas sa singil sa tubig sa loob ng 3 taon. Ngunit sakali mang
mapagdisisyunan ng board of directors na magtaas matapos ang 3 taon, huwag
umanong mabahala ang mga konsesyonaryo sapagkat bago mangyari ang pagtaas,
kailangan ay maaprubahan muna ito ng local waterworks and utilities
administration o lwua na siyang regulatory body ng mga water districts.
Sa huli, binigyang diin ni
joyas na tulad ng ipinangako niya nang maupo siya bilang chairman ng bod, hindi
nila gagawing probadong korporasyon ang Qmwd Water District at hindi ito
mababago kahit na pumasok sila sa jva. Hindi rin umano papasok ang QMWD sa
isang kasunduan na alam nilang makapipinsala sa lokal na pamahalaan at mga
mamamayan dahil sa huli sa kanila rin naman ibabato ang sisi.(PIO Lucena/C.
Zapanta)
No comments