Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CHILD DEVELOPMENT SERVICES, ISINUSULONG SA BARANGAY IBABANG DUPAY

Isinagawa kamakailan ang general assembly at orientation hinggil sa mga programang nasa ilalim ng Child Development Services ng Barangay Ib...

Isinagawa kamakailan ang general assembly at orientation hinggil sa mga programang nasa ilalim ng Child Development Services ng Barangay Ibabang Dupay.

Layunin nito na mas mapaigting pa ang ugnayan ng sangguniang barangay at ng mga magulang para sa kapakanan ng mga musmos na kabataan partikular na sa mga mag-aaral ng Daycare.

Kabilang sa mga programang ito ay ang pagbibigay oportunidad sa mga kabataan na makapag-aral sa mga Day Care Centers sa Barangay Ibabang Dupay na mayroong tinatayang limang mga centers.

Ang bawat eskwelahan naman na ito ay may mga maaayos at kompletong pasilidad na mayroong sariling mga air conditiong units.

Tinatayang mahigit kumulang sa anim na daang mga day care students at kanilang mga magulang naman ang nakilahok sa nasabing oryetasyon.

Ang mga kabataan naman na ito ang magsisilbing mga benepisyaryo ng Child Development Center ng barangay.

Matatandaang sa ginanap na assessment kamakailan sa mga eskwelahan sa Baranagy Ibabang Dupay ay nabigyan ng Very Satisfactory rate ang lahat ng Day Care centers sa barangay.

Isa sa minimithing proyekto naman ni Kapitan Jacinto “Boy” Jaca katuwang si Sangguniang Kabataan Chairman Rolden Garcia at katulong pa ang iba pang mga miyembro ng sangguniang barangay ay ang mas mabigyan ng prayoridad ang mga kabataan sa murang edad pa lamang nila upang mas mahubog pa ang kanilang angking kagalingan at kakayahan.

Inaasahan naman ang mga marami pang nakahandang plano at proyekto ng sangguniang barangay para sa ikabubuti ng kanilang komunidad na pinamumunuan.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.