Upang mas lalo pangmaprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod, iminungkahi ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. sa pamunuaan ng ...
Upang mas lalo pangmaprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod, iminungkahi ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. sa pamunuaan ng Lucena City PNP na mas paigtingin pa ng mga ito ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad.
Ito ang isinaad ng city administrator sa ginanap na flag raising ceremony matapos ang balita ng sunod sunod na patayang nagaganap sa ating bansa.
Ayon pa rin kay City Administrator Jun Alcala, bagamat ganito ang nangyayari ngayon sa bansa, at maaring mangyari rin it sa Lucena, hindi nararapat na ito ay katakutan at bagkus ay dapat na maging alerto at mapagmatyag ang lahat sa ating kapaligiran upang maiwasan ang ganitong insidente.
Samantala, sinabi naman ni Acting Lucena City Police Chief PSupt. Romulo Albacea na kasama sa kanilang programa hinggil sa peace and order ang pagsugpo sa anumang threat o panganib na maaring magdulot sa mga mamamayan ng lungsod.
Kung matatandaan, kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang naging patayan lalo’t higit sa ilang mga pulitiko na kung saan ang isa na nga dito ay ang Mayor ng Tanauan City, Batangas na si Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony.
Kasunod naman nito ay namatay rin sa isang ambush sa Cabanatuan City ang punong lungsod ng General Tinio, Nueva Ecija na si Ferdinand Bote gayundin ang vice mayor ng Trece Martirez, Cavite na si Alex Lubigan na namatay rin sa ambush sa harapan ng isang Korean hospital. (PIO Lucena/R.Lim)

No comments