Isinagawa kamakailan ang Library Open House Program ng tanggapan ng panlungsod na aklatan sa Lucena City Government Complex. Ang pagsasagaw...
Isinagawa kamakailan ang Library Open House Program ng tanggapan ng panlungsod na aklatan sa Lucena City Government Complex.
Ang pagsasagawa nito ay bilang pagtugon sa pagdiriwang ng tanggapan ng kanilang ika- anim na pu’t anim na taong anibersaryo.
Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay nagsagawa din ang City Library sa pamumuno ng hepe nito na si Miled Ibias ng programa para sa mga kabataan bilang pakikiisa sa ika limampu’t siyam na taon ng araw ng Pampublikong silid-aklatan sa Pilipinas, na tinawag nilang Booklatan sa Palengke, ngayon naman ay tinawag nila ang aktibidad na ito na Booklatan sa LCGC.
Bahagi ng nasabing programa ay ang Hatid Saya mula kay Jollibee activity na kung saan bumida ang mascot na si Jollibee sa pagpapasaya sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta sa mga pre-schoolers mula sa Calmar Child Development Center sa Barangay Kanlurang Mayao.
Gayundin ang puppetshow katulong ang tanggapan ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management sa pamumuno ng hepe nito na si Janeth Gendrano.
Nagsagawa din ang City Library ng story telling at film showing ng mga cartoons na kapupulutan ng aral at mabuting asal ng mga kabataang nakilahok.
Ayon kay Ibias, bukas ang lahat ng kanilang aktibidad para sa mga walk-in na gustong makisali dito lalo’t higit sa mga kabataan na kliyente ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlungsod na nagbibigay serbisyo.
Natapos ang programa ng matagumpay gaya ng inaasahan ng lahat ng kawani na bumubuo sa City Library.
At sa huli ay nagpasalamat si Ibias kay Mayor Dondon Alcala para sa patuloy na pagbibigay nito ng tulong at suporta sa kanilang tanggapan at sa kanilang mga programa na inihahandog sa mga mamamayan ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO Lucena/M.A. Minor)

No comments