Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

COMMUNITY MOBILIZATION SEMINAR PARA SA MGA BARANGAY PUROK LEADERS, ISINAGAWA

Sa bawat seminar na aming ginagawa, hindi na lang kami nakasentro sa kung anu ang People’s Law Enforcement Board at ang gampanin nito kundi...

Sa bawat seminar na aming ginagawa, hindi na lang kami nakasentro sa kung anu ang People’s Law Enforcement Board at ang gampanin nito kundi pati na din sa pagpapaalam ng bawat ordinansa sa komunidad”, ito ang naging pahayag ni Atty. Lualhati Martinez, hepe ng PLEB, sa naging panayam sa kanya ng TV12 kamakailan.

Kaugnay ito sa idinaos kamakailan na seminar para sa enhancement ng community mobilization para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga purok leaders ng iba’t ibang barangay sa lungsod.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nag-organisa ang tanggapan ng ganitong uri ng seminar. Ang una ay seminar na dinaluhan ng mga barangay chairman at kagawad na tinalakay ang mga tungkulin ng PLEB sa pamayanan. Habang ang ikalawang seminar naman ay katulad ng sa kadaraos lamang ng aktibidad na dinaluhan ng mga purok leaders.

Napili aniya nilang gawing partisipante ang mga purok leaders bilang isa sila sa maaaring maging frontliner sa barangay kapag wala ang mga opisyales ng sangguniang barangay.

Maaari silang lapitan ng mga mamamayan kung may anumang problema sa pagitan nila at ng mga miyembro ng kapulisan.

Ibinahagi din ni Martinez na sa kasalukuyan ay mababa ang bilang ng mga reports na kanilang natatanggap bilang patuloy na umiigting ang magandang samahan ng mga pulis at ng mga mamamayan.

Ayon kay Martinez, bukod sa pagpapaalam ng mga ordinansa at pagbibigay kamalayan sa mga mamamayan na mayroong ahensya na maaari nilang lapitan hinggil sa mga nabanggit na dahilan, layunin din ng Gawain na ito na makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.