Isinagawa kamakailan ang isang culminating activity at entrepreneurial skills and livelihood seminar para sa mga persons with disabilities ...
Isinagawa kamakailan ang isang culminating activity at entrepreneurial skills and livelihood seminar para sa mga persons with disabilities ng lungsod ng Lucena.
Ang pagdaraos ng programang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-40th national disability prevention and rehabilitation week celebration sa lungsod na may temang Kakayahan at kasayahan sa kabuhayan tungo sa kaunlaran.
Naging partispante dito ang mga PWDs mula sa iba’t ibang barangay, gayundin ang mga PWDs na miyembro ng 4Ps at mga special education students ng Lucena City National High School.
Dumalo sa aktibidad sina Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng committee on Social Welfare; SK Federation President, Councilor Patrick Nadera, Executive Assistant IV Jo Colar, City Social Welfare and Development Office Head Malou Maralit at ilang mga SK Chairman ng bawat barangay.
Buong suporta namang nakilahok dito si Kapitana Annalou Alcala ng Barangay Cotta kasama ang kanyang mga ka-barangay na nasa natatanging sektor ng lipunan.
Isinagawa dito ang isang seminar na tumatalakay sa mga karapatan ng mga kumukunsumo ng produkto at ng mga PWDs sa pangunguna ng Department of Trade and Industry.
Ayon kay Leila Cabreros, representante ng DTI, mahalaga aniyang malaman ng mga consumers’ ang tamang presyo ng mga gamot at iba pang mga bilihin sa merkado gayundin ang kanilang mga karapatan at karampatang diskuwento.
Tinalakay din dito ang disaster awareness for PWDs sa tulong ng Lucena Disaster Risk Reduction and management na nagpresenta ng isang maikling play na nagpapakita ng tamang kahandaan pagdating sa sakuna at kalamidad.
Iba pa sa aktibidad na bahagi nito ay ang drug prevention seminar sa tulong ng CADAC, Sustainable livelihood program sa pangunguna ni Levi Aderez, PDO II ng SLP- Lucena City at Disability prevention and entrepreneurship sa tulong ng isang NGO.
Tinuruan din ang mga ito ng paggagawa ng mga paper bags o supot making sa suporta din ng rrotary club college junction para sa maaaring pagsimulan ng hanapbuhay ng mga ito.
Natapos ang programa ng matagumpay at lahat ng mga naging kalahok ay umuwi ng may mga ngiti sa labi dahilan sa dami ng kanilang natutunan at nalaman mula sa aktibidad. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)

No comments