MAAARI NANG MAG-OPERATE SA DARATING NA BUWAN NG HULYO ANG PINAKAINAABANGANG ESCALATOR NG PAMPUBLIKONG PAMILIHAN NG LUNGSOD. ITO ANG MAGAND...
MAAARI NANG MAG-OPERATE SA DARATING NA BUWAN NG HULYO ANG PINAKAINAABANGANG ESCALATOR NG PAMPUBLIKONG PAMILIHAN NG LUNGSOD. ITO ANG MAGANDANG BALITANG NAIS NA IPARATING NG PUBLIC MARKET ADMINISTRATOR NA SI NOEL PALOMAR SA MGA LUCENAHIN LALO’T HIGIT SA MGA MAMIMILI AT MANININDAHAN NG NATURANG MALL MARKET.
SA NAGING PANAYAM NG TV 12 KAY PALOMAR KAMAKAILAN, IBINAHAGI NITO NA SA KASALUKUYAN AY TINAPOS NA LAMANG NG CONTRACTOR ANG PAGLALAGAY NG MGA TILES NA NASIRA HABANG ISINASAGAWA ANG CONSTRUCTION NG NASABING ESCALATOR AT SA ORAS UMANO NA MATAPOS NA ANG PAGLALATAG NITO, MAGIGING MADALI NA ANG LAHAT DAHIL MAYROON NA RIN UMANONG NAKAKABIT NA LINYA NG KURYENTE AT ANG TANGING PROPROBLEMAHIN NALAMANG AY ANG PAGTATAP NITO SA MERALCO.
DAGDAG PA NI PALOMAR, UPANG HINDI NA MALAYUAN PA ANG MGA MAMIMILI AT MAGTITINDA, KAMAKAILAN AY BINUKSAN NA RIN NG KANILANG TANGGAPAN ANG HAGDAN SA GITNANG PARTE NG MALL MARKET UPANG HINDI NA UMIKOT PA ANG MGA ITO SA MAGKABILANG TABI NG PALENGKE.
KAUGNAY NITO, NANINIWALA ANG HEPE NA SA ORAS NA MAGING OPERATIONAL NA ANG NASABING ESCALATOR, MAS MAGBIBIGAY ITO NG KAALWANAN PARA SA LAHAT LALO’T HIGIT SA MGA MAMIMILING AT MANININDAHANG SENIOR CITIZENS NA KALIMITANG NAHIHIRAPAN SA PAGBIBITBIT NG MABIBIGAT NA PRODUKTONG KANILANG ITINITINDA AT IPINAMILI .
SAMANTALA, NGAYON PA LAMANG AY PINAGHAHANDAAN NA NG NASABING TANGGAPAN ANG MGA PRECAUTIONARY MEASURES NA DAPAT ILATAG UPANG UPANG MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG MGA DI KANAIS-NAIS NA INSIDENTE. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments