Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

General Nakar nagdiwang ng 69th Founding Anniversary

Sina Sen. Cynthia Villar, Congresswoman Trina Enverga, Mayor Eliseo Ruzol, Gov. Jayjay Suarez at iba pang official sa pagdiriwang ng ika-...

Sina Sen. Cynthia Villar, Congresswoman Trina Enverga, Mayor Eliseo Ruzol, Gov. Jayjay Suarez at iba pang official sa pagdiriwang ng ika-69 anibersaryong ng General Nakar, Quezon. (Ding Saraza)


GENERAL NAKAR, Quezon - Nakiisa ang ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez kasama si Sen. Cynthia Villar at ilang kawani ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-69 na taon ng pagkakatatag ng bayan ng General Nakar nitong ika-21 ng Hulyo.

Sa mensahe ng gobernador, binigyang-pugay niya ang mahusay ng liderato ng punong-bayan ng General Nakar na si Mayor Eliseo Ruzol.

Aniya, isang malaking karangalan ang pakikiisa sa selebrasyon ng nasabing bayan at nakikita rin niya dito ang patuloy na kaunlaran sa pamamagitan ng pamumuno ni Mayor Ruzol.

“Isang malaking karangalan ang makasama kayo ngayong araw. Sa pagtatag ng isang bayan, mahalagang makita natin kung nasaan na tayo ngayon. Sa taun-taon kung pagbisita sa inyong bayan, nakikita ko ang development at innovative projects na ipinatutupad dito.” ayon kay Gob. Suarez.
Binahagi rin ni Gob. Suarez ang pagdalo nila ni Sen. Villar sa katatapos pa lamang na Bamboo Congress sa bansang China kamakailan. Dito tinalakay ang komprehensibo at maunlad na teknolohiya na taglay ng China upang magamit ang kanilang produkto sa bamboo sa iba’t ibang pamamaraan.

Ani Suarez, ang kanilang natutunan sa nasabing pagtitipon ay isang malaking tulong upang mas mapaunlad pa ang produktong niyog sa lalawigan ng Quezon at mabigyan ng karagdagang kita ang mga manggagawa hindi lamang sa lalawigan ngunit pati na sa buong bansa.

Dagdag pa ng gobernador, nakatakda nang umpisahan ang konstruksyon ng COnvention Center sa bayan ng Infanta bilang bahagi ng development formal ng pamahalaang panlalawigan para sa Northern Quezon. Ayon kay Gob. Suarez, parte ito ng kanyang panukala upang mapalakas ang sektor ng turismo sa lalawigan sa pamamagitan na rin ng sektor ng agrikultura.

Ipinahatid naman ni Sen. Villar ang kanyang pagbati sa makulay na selebrasyon sa bayan ng General Nakar. Aniya, patunay lamang ito ng kakayahan ng mga mamamayan na ipamalas ang cultural, historical, at natural heritage ng kanilang lugar.

Hangarin rin ng senador na makapagtayo ng cacao school sa bayan ng General Nakar dahil sa taglay nitong land area upang tuluyan pang tulungan ang sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Samantala inanunsiyo rin ni Gob. Suarez ang nakatakdang pagsasagawa ng Ultra Marathon 2018 Event sa General Nakar na dadaluhan ng mga sports enthusiast mula sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Matapos nito ay pinangunahan rin ni Gob. Suarez, Sen. Villar, at Mayor Ruzol ang pagbubukas ng bagong Go Negosyo Center sa General Nakar bilang bahagi ng selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang bayan. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.