Editorial Muling pinatunayan ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang lakas, galing at tapang sa loob ng boxing ring nang tatlong...
Editorial
Muling pinatunayan ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang lakas, galing at tapang sa loob ng boxing ring nang tatlong beses niyang pabagsakin si Lucas Matthysse ng Argentina nitong nakalipas na Linggo, Hulyo 15, 2018.
Naagaw ng pound for pound boxing champ ang WBA Welterweight Championship Belt kay Lucas, pang 12 world title record nito mula sa 8 division at may record na 60 wins, 7 talo at 2 tabla.
Si Lucas ay mas bata at mahusay rin, pero nanaig, mas malakas at mas mahusay talaga si Pacman.
Mismong si Lucas ay nagsabi, “I lost to a great legend.”
Tuwing may laban si Pacman, buong bansa ay nakatutok dito. Parang napagkakaisa ang sambayanang Pinoy. Tahimik sa kalye, at mismong ang PNP nagsasabi na “zero” o mababang-mababa ang crime rate sa araw ng laban.
Dalawang head of state pa ang nanood sa kanya, Pres. Duterte at Malaysian PM Mahathir Mohamad na nasa loob mismo ng Axiata Arena Stadium sa Kuala Lumpur.
Dapat na nga bang magretiro si Pacman tulad ng payo ni PD30? “Retire a winner,” umano ang sabi ng Pangulo.Wala ng dapat patunayan pa si Pacman sa buong mundo.
Pero, humihirit pa ng 2-3 laban ang pambansang kamao, na 39 taong gulang na.
Maraming nagsasabi na huwag muna, marami pa raw tatalunin ito at age 30.
Anu’t-ano man, nasa kay Pacquiao ang desisyon. Siya ang higit na nakakaalam kung kaya pa niya, at makapagdagdag pa ng karangalan para sa bansa at sambayanang Pinoy.
Congratulations and more power, blessings from God, and good health, Pacman.
No comments