by Ace Fernadez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas Sangguniang Panlalawigan, Lucena City - Ang pagkakatingga ng anak ni dating BM Erwin E...
by Ace Fernadez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas
Sangguniang Panlalawigan, Lucena City - Ang pagkakatingga ng anak ni dating BM Erwin Esguerra sa pagiging SK Federation President sa lalawigan ang maaring naging dahilan na di umanoy paglipat sa kulay dilaw na dating kaalyado ng pamilya Suarez sa Bondok Peninsula.
Nakarating sa kaalaman ng Sentinel Times Weekly na nitong nakalipas na linggo ay nakumbinse ni dating San Narciso Quezon Mayor Allen Uy itong si Esguerra na sumama na sa kabilang grupo ng mga dilawan.
Ayon sa ating source, ang sinasabing kulay dilawan ay ang grupo nitong si Congressman Vicente Kulit Alcala na hanggang ngayon ay miyembro ng Liberal Party sa Lalawigan. Nauna ng nakapanayam ng Sentinel Times Weekly itong si dating Bokal Erwin Esguerra at sinabi nito na ilalaban niya ang kanyang anak sa SK Federation kahit wala umanong basbas ni Gov. David Jayjay Suarez, Kaya maaring nag damdam itong si Esguerra dahil iba ang sinuportahan ni Gov. Suarez sa nakalibas na SK Federation Election, dahilan upang madali niya itong nakumbinse na sumali sa kulay dilawan dagdag pa ng ating source.
Kaya naman ng aking tanungin si BM Jet Suarez tungkol sa bagay na ito ay sinabi niya na “GUDLAK SA KANYA”. Naging mabuting magkaibigan daw sila umano nitong si dating Bokal Erwin Esguerra at isa sya sa mga kasama sa politikong pinahahalgahan at tinulungan ng pamilya Suarez. Ang mahalaga rin daw ngayon ay magkasundo na sila ng kanilang pamilya dahil magkaiba ang politika at ang sariling pamilya.

No comments