Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HAZARDOUS WASTE MANAGEMENT TRAINING PARA SA MGA OSPITAL SA LUNGSOD ISINAGAWA

Nagsagawa kamakailan ng Hazardous Waste Management Training para sa mga ospital sa lungsod ang ang City Government of Lucena. Isinagawa ang...

Nagsagawa kamakailan ng Hazardous Waste Management Training para sa mga ospital sa lungsod ang ang City Government of Lucena.

Isinagawa ang nasabing aktibidad na ito sa 4th floor ng Lucena City Government Complex kung saan pinangunahan ito ng tanggapan ng City General Services Office sa pangunguna ni Rosie Castillo.

Present din dito si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. at Atty. Francisco Ferdinand Lagman Assistant City Legal Officer.

Mahigit naman sa apat napong katao ang nagparticipants mula sa iba’t ibang ospital na dumalo at inimbitahan sa naturang training.

Kung saan itinuro dito kung paano ang pagsasaayos ng kanilang hazardous waste management na pinangunahan naman ni Engr. Marissa Malabana Enviromental Management Bureau ng DENR at Chief ng Hazardous Waste Management ng nasabing ahensiya na naging guest speaker dito.

Sa panayam naman ng TV12 Kay Rosie Castillo, inimbitahan nila ang mga ospital Medical Clinic, Dental Clinic para alamin ng mga ito kung papaano nila ididispose ang kanilang hazardous waste nila.

Ayon pa head ng CGSO, ang hazardous waste ng mga nabanggit ng clinic sa ospital ay hindi saklaw ng pamamahala ng LGU, may treater na separate pa dito.

Sinabi pa rin ng nasabing opisyal na dapat din ay alam ng mga ito kung papaano mag-apply at kung ano ang dapat gawin sa pagdidispose ng kanilang hazardous waste.

Samantalang matagal na aniya idinudulog sa mga ito ang mga hindi pagsasaayos ng kanilang hazardous waste ng mga ospital sa lungsod.

Dahilan umano sa ang mga nagugnulekta ng basura dito ay natutusok ng karayum.

Idinagdag pa ni Castillo, na kailangan ay mayroon ang bawat ospital ng waste treater na siyang kukuha ng kanilang hazardous waste.

Sapagkat ang mga kinukuha lang na basura ng CGSO sa kanilang ospital ay yong mga nasa kanilang opisina.

Kung dati rati aniya ay hindi pinaghihiwa-hiwalay ang kanilang basura sa ngayon ay hindi na dahilan na rin sa ipinapaimplementa ng pamahalaan panlungsod ng solid waste management act.

Sa Ay ito naman ay sakapakanan ng kalusugan ng mga mamamayang lucenahin.(PIO Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.