Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HEPE NG LUCENA PNP, IMINUNGKAHING MAGLAGAY NG PUBLIC ASSISTANCE CENTER SA LCGC

DAHIL NA SA MAGKASUNOD NA PAGPASLANG SA MGA OPISYALES NG LOKAL NA PAMAHALAAN DITO SA BANSA ,NAKIUSAP SI KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO SA GRUPO...

DAHIL NA SA MAGKASUNOD NA PAGPASLANG SA MGA OPISYALES NG LOKAL NA PAMAHALAAN DITO SA BANSA ,NAKIUSAP SI KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO SA GRUPO NG LUCENA PNP NA DAGDAGAN AT MAS HIGPITAN PA ANG SEGURIDAD SA LUNGSOD.

NAGHATID NG PANGAMBA PARA SA LAHAT LALO’T HIGIT SA MGA OPISYAL NG LUNGSOD ANG NANGYARING PAGBARIL AT PAGPATAY SA ALKALDE NG TANAUAN CITY, BATANGAS NA SI MAYOR ANTONIO HALILI HABANG ISINASAGAWA ANG FLAG RAISING CEREMONY SA CITY HALL NG NASABING LUNGSOD.

PANGYAYARING LALO PANG NAKAALARMA NANG MASUNDAN NG MGA KASONG PAGPATAY RIN SA IBA PANG MGA OPISYALES NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA IBANG LUGAR.

KAUGNAY NITO, BILANG ISANG OPISYAL NG LUNGSOD, NABABAHALA SI ALEJANDRINO PARA SA KALIGTASAN HINDI LANG NG MGA OPISYALES KUNDI PATI NA RIN NG MGA EMPLEYADO NG LOKAL NA GOBYERNO LALO NA’T HINDI KATULAD NG DATI, MALAYO SA KABAYANAN AT ISTASYON NG PULIS ANG BAGONG CITY HALL.

BILANG TUGON, SINABI NI ALBACEA NA NAG-USAP NA SILA NI CITY ADMINISTRATOR ANACLETO JUNE ALCALA HINGGIL SA ISYUNG ITO AT NAPAGKASUNDUANG MAGLAGAY NG ISANG PORTION SA CITY HALL UPANG MAKAPAGLAGAY ANG PULISYA NG PUBLIC ASSISTANCE CENTER.

SAMANTALA, SA PAGBABALIK SA LUNGSOD NG HALOS 90 % NG MGA LUCENAHING PULIS, NANINIWALA ANG KONSEHAL NA MAS MATUTUGUNAN NG MGA ITO NANG MABUTI ANG HINIHINGING DAGDAG NA SEGURIDAD HINDI LANG PARA SA MGA OPISYALES MAGING PARA SA MGA MAMAMAYAN SA LUNGSOD. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.