Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HEPE NG TFRO, PINATOTOHANAN ANG ISYU HINGGIL SA PATULOY NA PAGDAMI NG MGA NAMAMASADANG KOLORUM SA LUNGSOD

PINATOTOHANAN NG HEPE NG TRICYCLE FRANCHISING AND REGULATORY OFFICE NA MARAMI PARING MGA KOLORUM NA TRICYCLE ANG NAMAMASADA SA LUNGSOD NG ...

PINATOTOHANAN NG HEPE NG TRICYCLE FRANCHISING AND REGULATORY OFFICE NA MARAMI PARING MGA KOLORUM NA TRICYCLE ANG NAMAMASADA SA LUNGSOD NG LUCENA, ITO ANG IPINAHAYAG NG HEPE NG TFRO NA SI NORIEL OBCEMEA SA NAGING PANAYAM NG TV12 KAMAKAILAN.

AYON KAY OBCEMEA, ANG 60 PAHINA NG PAPEL NA NAGLALAMAN NG MGA PANGALAN NG MGA PASAWAY NA TRYCLE DRIVERS ANG NAGPAPATUNAY DITO.

SA KATUNAYAN, SA ARAW-ARAW UMANONG PAGSASAGAWA NG KANILANG TANGGAPAN NG OPERASYON, HINDI SILA NAWAWALAN NG MGA NAHUHULING TRICYCLE DRIVERS NA LUMALABAG SA MGA BATAS TRAPIKO GAYA NG KOLORUM, ODD-EVEN SCHEME, PAGDAAN SA BAWAL NA KALSADA AT IBA PANG KASO NA MAY KINALAMAN SA TRICYLE OPERATION.

AYON KAY OBCEMEA, ANG MGA DRIVER NG KOLORUM NA TRICYLE AY TULAD LANG RIN UMANO NG IBANG INDIBIDWAL NA KAPAG NAWALAN O WALANG TRABAHO AY NAGHAHANAP NG MAPAGKAKAKITAAN.

TUNAY RIN UMANO NA SA PANAHON NGAYON AY NAPAKADALING KUMUHA NG HULUGANG TRICYCLE NA MAARING GAAGAD NA MAGAMIT UPANG MAKAPAMASADA AT MAKAPAGHANAP-BUHAY NA SIYANG NAGIGING DAHILAN KUNG BAKIT MARAMI ANG KOLORUM.

DAGDAG PA NITO, SA KABILA NG HIRAP AT TAKOT SA MGA PARUSANG MAARING MAKUHA SAKALING MAHULING LUMABAG SA PANUNTUNAN, MARAMI PARIN SA MGA ITO ANG PATULOY NA NAMAMASADA SA PAGBABAKASAKALING HINDI MAHULI.

NGUNIT TINIYAK NAMAN NI OBCEMEA NA BAGAMA’T LIMITADO ANG KANILANG BILANG SA OPESINA, NARIRIYAN ANG MGA PANGULO NG IBA’T-IBANG TODA SA LUNGSOD NA TUMUTULONG SA KANILANG TANGGAPAN NA MAIPATUPAD NANG MABUTI ANG MGA BATAS SA KALSADA AT NAGSISILBI RING PULIS SA MGA PASAWAY NA NAMAMASADA. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.