SA ISINAGAWANG PAGPUPULONG NG TRICYCLE FRANCHISING ANG REGULATORY OFFICE AT NG MGA PANGULO NG TODA SA LUNGSOD, KASAMA SA MGA NAPAGDISKUSY...
SA ISINAGAWANG PAGPUPULONG NG TRICYCLE FRANCHISING ANG REGULATORY OFFICE AT NG MGA PANGULO NG TODA SA LUNGSOD, KASAMA SA MGA NAPAGDISKUSYONAN AY ANG PAGHINGI NG PAGBABAGO NG TARIPA SA PAMASAHE SA TRICYCLE, BAGAY NA NAIS NG HEPE NG TFRO NA SI NORIEL OBCEMEA NA MAAPRUBAHAN NA SA LALONG MADALING PANAHON NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD.
KASABAY NG PAGPAPAHINTULOT NG PISONG PROVISIONAL INCREASE NG LAND TRANSPORTATION, FRANCHISING AND REGULATORY BOARD O LTFRB PARA SA NATIONAL CAPITAL REGION, CENTRAL LUZON AT CALABARZON, NAKATITIYAK SI NORIEL OBCEMEA, HEPE NG TRICYCLE FRANCHISING AND REGULATORY OFFICE O TFRO NA MAS LALONG DADAING ANG MGA LUCENAHING TRICYCLE DRIVERS GAYONG KATULAD NG MGA JEEPNEY DRIVERS, NAAAPEKTUHAN RIN ANG MGA ITO SA PAGTAAS NG PRESYO NG PETROLYO.
UPANG HUWAG NANG MABAHALA, NAIS IPAGBIGAY-ALAM NI OBCEMEA SA MGA LUCENAHING TRICYCLE DRIVERS NA BATID NG MGA NANUNUNGKULAN NA KAILANGAN NANG MAGPATUPAD NG BAGONG TARIPA NG PAMASAHE.
DAGDAG PA NITO, NOONG TAONG 2008 PA INAPRUBAHAN ANG HANGGANG NGAYO’Y UMIIRAL NA ORDINANSA HINGGIL SA PAMASAHAE NA HINDI NA UMANO NAANGKOP NA PAIRALIN SA PATULOY NA PAG-ARANGKADA NG PREYSO NG GASOLINA SA LOOB NG 10 TAON.
TINIYAK NAMAN NI OBCEMEA NA SAKALING MAAPRUBAHAN NA ANG PANIBAGONG TARIPA, PANIGURADONG MAGIGING MALAKING KATULUNGAN RIN ITO PARA SA MGA MANANAKAY SAPAGKAT IBIG SABIHIN LANG AY MAGKAROON NA RIN NG TARIPA NG PAMASAHE SA LABAS NG KABAYANAN NA KADALASANG NAGIGING DAHILAN NG REKLAMO NG MGA MANANAKAY.
DAHIL SA WALANG UMIIRAL NA TARIPA SA LABAS NG KABAYANAN, MINSAN AY MASYADONG MAHAL ANG SINISINGIL NA PASAHE NG MGA NAMAMASADA NA NAGIGING DAHILAN KUNG BAKIT MAY MGA TRICYCLE DRIVERS DIN NA TUMATANGGING MAGSAKAY NG PASAHERO. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments