Bilang isa ang barangay Barra sa mga coastal area sa lungsod kung saan hindi maitatanggi na maraming mga basura ang napupunta dito mula sa ...
Bilang isa ang barangay Barra sa mga coastal area sa lungsod kung saan hindi maitatanggi na maraming mga basura ang napupunta dito mula sa kabayanan kung kaya’t isa sa pangunahing proyekto at programa ng barangay ay may kinalaman sa paglilinis ng kapaligiran.
Sa naging panayam ng TV12 kay Kapitana Amy Sobreviñas kamakailan, ipinahayag nito na nakalatag na at nakaplano ang kanilang mga isasagawang aktibidades kasama ang sangguniang kabataan ng barangay para sa paglilinis ng komunidad lalo’t higit ang baybaying dagat at ilog.
Dahilan na rin sa ang panahon ngayon ay madalas ang pag-ulan at pagbaha, ang isa sa pinaghahandaan nila ay ang mga basura mula sa poblacion na inanod papunta sakanilang yamang tubig.
Isa nga sa mga aktibidades nanaiisip ni Sobreviñas ay ang pagsasagawa ng environmental clean-up drive at ang katatapos lang na isagawa na coastal clean-up sa baybaying dagat.
Matatandaang nagsasagawa din sila ng kanilang sariling mangrove tree planting bukod pa sa pakikiisa nila sa national arbor day mangrove tree planting kamakailan sa Barangay Talao-talao.
Dagdag pa ni Sobreviñas, ang sangguniang barangay at sangguniang kabataan ay nagkausap na magiging magkatuwang sila sa pagkakaroon muli ng halamanan sa barangay.
Sa kasalukuyan ay nakipag-ugnayan na si Sobreviñas sa tanggapan ng city agriculturists para aniya mapagkalooban sila ng mga pananim para sa nasabing programa.
Ayon kay Sobreviñas, ang mga gulay o prutas na makukuha mula sa pananim ay magagamit nila sa kanilang feeding program para sa mga malnourished children sa barangay na magsisilbi din nilang ayuda sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)

No comments