Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga opisyales ng Brgy. 9, tumulong sa pangongolekta ng basura sa kanilang lugar

Upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar, nakiisa sa pangongolekta ng basura sa kanilang nasasakupan ang ilang mga opisyales ng Brg...

Upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar, nakiisa sa pangongolekta ng basura sa kanilang nasasakupan ang ilang mga opisyales ng Brgy. 9 kamakailan.

Ang mga naturang opisyales ay sina Kagawad Joselito “Picoy” Go at dating kapitan na ngayon ay nahalala bilang kagawad na si Gery Dela Cruz.

Ayon sa dalawang kagawad, ang hakbangin nilang ito ay upang ipakita sa kanilang mga kabarangay na hindi lamang sila maaring tumulong sa kanilang pamayanan nang nasa opisina lamang bagkus ay nais nilang ipakita sa lahat na maari rin silang gumawa ng wala dito.

Isang paraan rin aniya nila ito upang hikayatin ang kanilang nasasakupan na ipatupad ng maayos ang programa ng pamahalaang panlungsod na waste segregation.

Dagdag pa rin ng mga nasabing opisyales, patuloy nilang isasagawa ang ganitong gawain upang maging ang kanilang mga kabarangay ay mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar.

Umaasa rin sina Kagawad Picoy Go at Kagawad Gerry Dela Cruz na sa ginawa nilang ito ay magiging halimbawa sila sa iba pang mga opisyales ng barangay sa lungsod na mismong sila ang manguna sa pangongolekta ng basura sa kanilang lugar uang sa ganun ay mas maimplemnta ng maayos ang programa ng pamahalaang panlungsod na waste segregation.
Ang ganitong uri ng hakbangin ng mga nasbing opisyales ay upang ipakita sa lahat na tinututukan ng mga ito ang programa sa kalinisan sa kanilang lugar upang matiyak na magiging kaaya-aya ito sa lahat ng mga naninirahan sal ugar at upang mailayo rin ang mga ito sa anumang uri ng sakit na maaring makuha sa mga basura.(PIO Lucena/R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.