Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY HEALTH OFFICER DRA. JOCELYN CHUA PINAYUHAN ANG MGA MAMAMAYANG LUCENAHIN NA MAY CATARATA NA HUWAG MATAKOT MAGPA-OPERA

Kamakailan ay isinagawa ang pagbibigay ng mga salamin sa mata sa halos 200 nating mamamayang lucenahin ng pamahalaan panlungsod. Ang naba...

Kamakailan ay isinagawa ang pagbibigay ng mga salamin sa mata sa halos 200 nating mamamayang lucenahin ng pamahalaan panlungsod.

Ang nabanggit na proyekto ay nasa ilalim ng Bagong Lucena Health Program na naglalayong mapatingnan ang mga mata ng pasyente nito at mabigyan ng tamang grado na naaayon sa kanilang paningin.

Samantalang bukod sa libreng salamin na ito na ibinibigay ng city government of lucena sa mga kababayan natin ay mayroon din na libreng operasyon para sa mayroon catarata.

Sa naturang aktibidad ay binanggit ni City Health Officer Dra. Jocelyn Chua, na marami ng naoperahan ng catarata sa unang batch.

Ayon kay Chua, kung sila ay nasabihan ng Dr. sa mata na kailangan na maoperahan ang kanilang Cataratakailangan na itong maopera.

At huwag aniya matakot na maoperahan ang sakit na ito, dahil kapag lumala ang kanilang sakit ay wala na umanong salamin na magpapalinaw sa kanilang mga mata.

Ayon pa dito kahit na sukatan sila ng salamin at andoon pa rin ang catarata ay hindi magkakaigi ang salamin na maibibgay sa kanila.

Dagdag pa ng nasabing opisyal ng City Health Office na libre naman ang operasyon ng catarata na ibinibigay na pamahalaan panlungsod para sa mga mamamayan lucenahin at ito ay sa kabutihan loob ni Mayor Dondon Alcala.

Ang libreng operasyong nabanggit aysa ilalim rin ng proyekto ng Bagong Lucena Health Program. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.