Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KAHANDAAN SA MGA POSIBLENG KALAMIDAD AT SAKUNA, PATULOY NA PINAGTITIBAY SA BARANGAY BARRA AYON KAY KAPITAN AMY SOBREVIÑAS

“Minamarapat po na ang aming proteksyon at kahandaan sa mga posibleng kalamidad ay patuloy pang dadadagdagan at pagtitibayin”, ito ang inil...

“Minamarapat po na ang aming proteksyon at kahandaan sa mga posibleng kalamidad ay patuloy pang dadadagdagan at pagtitibayin”, ito ang inilahad ni Kapitan Amy Sobreviñas hinggil sa usapin ng disaster preparedness.

Dahil na din sa nabibilang aniya ang Barangay Barra sa mga nasa coastal area sa lungsod at hindi rin naman inaasahan kung kailan may mangyayaring sakuna o kalamidad sa barangay ay kinakailangan ng barangay ng proteksyon para dito.

Upang mas masiguro na rin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang komunidad.

Dagdag pa nito, patuloy nilang pinaghahandaan at pinag-aaralan ang mga posibleng paraan at gawain sakaling dumating ang mga nabanggit na insidente.

Sa katunayan nga aniya ay nagsagawa na sila ng mga trainings na kinalahukan ng lahat ng mga miyembro ng sangguniang barangay kasama ang mga barangay tanod at purok leaders.

Ito ay para magkaroon sila ng kamalayan at kaalaman sa mga precautionary measures, mga dapat na hakbangin at mga bagay na isasaalang-alang sa kasagsagan ng kalamidad at mga gagawin matapos ito.

Ang Barangay Barra naman aniya ay magroong tinatawag na outlet dahilan sa napaggigitnaan ito ng dalawang uri ng katubigan, ang ilog at dagat na kung saan ay may lalabasan ang mga tubig kung sakali mang bahain ito.

Nakahanda din ang kanilang evacuation plan kung sakaling kinakailangang lumikas ng mga mamamayan, makikita sa mga daanan sa barangay ang mga karatula na nakalagay kung saan magtutungo ang mga ito sa panahon ng paglikas.

Mas mainam pa rin aniya na may panangga dahilan sa nakapaghanda kaysa umano sa mabibigla na lamang sa pagdating ng mga insidente.

Para naman kay Sobreviñas, sa patuloy na pagtutulungan ng local government unit kabilang ang lahat ng mga namumuno sa lahat ng barangay sa lungsod kaisa ang Lucena City Disater Risk Reduction and Management ay mapapanatili ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayang Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.