Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KAMPANYA PARA SA PROPER WASTE SEGREGATION, MULING PINAG-IIGTING AYON KAY KONSEHAL ANACLETO ALCALA III

“Ito na ang pagpapatuloy sa ating sinimulan na maigting na kampanya sa pagkakaroon ng maayos na panuntunan sa pagsesegregate ng ating mga b...

“Ito na ang pagpapatuloy sa ating sinimulan na maigting na kampanya sa pagkakaroon ng maayos na panuntunan sa pagsesegregate ng ating mga basura sa ating lipunan”, ito ang naging pahayag ni Konsehal Anacleto Alcala III sa naging panayam ng TV12 kamakailan.

Kaugnay ito sa isinagawa kamakailan na isang seminar training hinggil sa tamang pagsasaayos at paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok at di-nabubulok na uri.

Kung saan tinalakay din ang mga aspetong hindi dapat labagin hinggil sa ordinansa, ang mga karapatan ng mga mamamayang mahuhuling lalabag dito sa oras na sila’y hulihin ng mga nakatakdang eco-police tulad ng karapatang manahimik, kumuha ng abogado, ang usapin tungkol sa writ of habeas corpus at iba pa.

Gayundin kung papaano ang tamang paraan ng paghuli ng mga eco-police sa mga lalabag at ang mga karampatang kapatawan sa kanila.

Nagsilbing partisipante sa gawain ang nasa mahigit isang daang officers at members ng Tricycle Operators and Drivers Association ng iba’t ibang barangay sa lungsod.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina City General Services Office Head Rosie Castillo, City TFRO Head Noriel Obcemea at City Legal Officer Atty. Shiela De Leon na siyang naging tagapagsalita sa programa.

Dagdag naman ni Konsehal Alcala, layunin din ng seminar na ito na maipagbigay alam sa mga dumalo ang kahalagahan ng ordinansa hinggil dito.

Gayundin ang kanilang papel, gampanin at partisipasyon dito bilang isa sila sa maaaring maging eco-police ng lungsod.

Ang mga eco-police ay ang siyang may karapatang manghuli sa kung sinumang lalabag sa mga kabawalan sa ordinansa na may karampatang pataw o parusa.

Maari din silang kumita bilang eco-police sapagkat ang limampung porsyento ng kaukulang halagang makukuha mula sa lumabag ay mapupunta sa kanila habang apat na pong porsyento naman ay mapupunta sa kanilang barangay at ang natitirang sampong porsyento ay sa local government unit. (PIO Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.