Kapitan Edwin Napule ng Barangay Marktview Sa naging panayam ng TV12 kamakailan kay Kapitan Edwin Napule ng Barangay Marktview, inilah...
Kapitan Edwin Napule ng Barangay Marktview |
Sa naging panayam ng TV12 kamakailan kay Kapitan Edwin Napule ng Barangay Marktview, inilahad nito ang mga programa ng kanilang barangay hinggil sa aspeto ng pangkabuhayan.
Ayon kay Napule nananatiling katuwang ng Baranagy Marketview ang Convoy of Hope Philippines, isang US-based non-government organization sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa kanilang komunidad.
Ang barangay Marketview aniya ang kauna-unahang barangay sa lungsod na sinuportahan ng nasabing NGO na sa ngayon ay mayroon na ding tinutulungan pa na nasa mahigit kumulang na sampong barangay sa lungsod.
Ang programang ito ay para sa mga magulang lalo’t higit sa mga ina dahilan sa naniniwala ang sangguniang barangay na sa tulong nito ay magkakaroon ng additional income ang pamilya na makakatulong pang suporta kanila at sa mga pangangailangan nila.
Makakatulong din ito aniya para sa educational assistance ng mga kabataan na layuning mabigyan ng sustainable support ang mga ito.
Ayon pa kay Napule, kamakailan lang din ay ibinaba ang sustainable livelihood program na isang national program mula sa Department of Social Welfare and Development.
Tinatayang nasa apat na pong katao aniya ang napasama dito na sumailalim sa isang orientation training sa tulong ng national government agency.
Tinarget na kalahok dito ay mga magtatapa at magbobote dahilan sa ito ang hanapbuhay ng karamihan sa mga mamamayan ng Marketview
Dagdag pa nito, mayroon pa din aniyang inilulunsad ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng city social welfare office sa pamumuno ni Malou Maralit na mga livelihood programs para sa mga mamamayang Lucenahin.
Inaasahan ang patuloy na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaang barangay para sa mas ikakaunlad ng bawat nasasakupan. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)
No comments