by Boots R. Gonzales CANDELARIA, Quezon – Noong July 16 naisagawa ang halalan patungkol sa samahan ng Asosasyon ng Barangay Captain (ABC)...
by Boots R. Gonzales
CANDELARIA, Quezon – Noong July 16 naisagawa ang halalan patungkol sa samahan ng Asosasyon ng Barangay Captain (ABC) sa bayan ng Candelaria 2nd District ng Quezon. Palibhasa walang katungali awtomatiko si Kapitan Ireneo “ Boyong” Boongaling ng Barangay Masalukot Uno ang nahalal bilang ABC President ng nasabing bayan at Kapitan Morrel Scalona bilang Vice President.
Sa pakikipag panayam ng Sentinel Times kay Kapitan Boyong , anya una sa lahat siya ay taos pusong nagpapasalamat sa kanyang mga kasamahan kapitan at constituents sa pagsama at pagbigay sa kanya ng suporta upang marating ang kinaroroonan niya ngayon. Ganun din sa kanyang amang si Ka Luding Boongaling na kilalang pilantropo ng bayan ng candelaria na anya walang sawa din sa pagsuporta sa kanya , tiyuhin na si Mayor Macky Boongaling at Vice Mayor Ogie Suayan ganun din sa kanyang very supportive na mahal na asawang Kapitana Zaide Boongaling , mga anak na nagbigay full support sa kanya at siyempre sa poong maykapal.
Sa kanyang pagkapanalo bilang ABC president , gusto niyang magtuloy tuloy at papalaot sa larangan sa pagiging Ex –officio Board Member at layon niyang maiparating sa mataas na kinaukulan ang mga adhikain niya para sa mga barangay na kanyang masasakupan. Anya kung mapapansin sa kasalukuyan ang Barangay Masalukot Uno ay maraming nabago at patuloy ang pagkakaroon ng mga bagong programa na gusto niya rin maipamahagi sa lahat . Anya kung ano man ang naumpisahan niya ito ay nais niya rin maipamahagi ganun din ang mga internal rules, pagsasabatas at pagsasaayos ng mga barangay.
Sa kasalukuyan tuloy tuloy na ang kanyang pag iikot sa lahat ng mga barangay dala ang kanyang programa at plata porma upang itoy maipamahagi sa apatnaput (40) municipalities at humigit kumulang na 1, 200 na mga brgy. Captains . Anya na sana siya ay samahan sa kanayang mga adhikain dahil itong lahat na ginagawa niya ay hindi lamang para sa kanyang bayan kungdi para sa lahat ng barangay dito sa lalawigan ng Quezon.
No comments