SA PANGUNGUNA NI SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT DR. ANIANO OGAYON AY MATAGUMPAY NA IDINAOS NG DEPED LUCENA ANG KICKOFF ACTIVITY NG KANILAN...
SA PANGUNGUNA NI SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT DR. ANIANO OGAYON AY MATAGUMPAY NA IDINAOS NG DEPED LUCENA ANG KICKOFF ACTIVITY NG KANILANG PROGRAMA NA OPLAN KALUSUGAN O OK SA DEPED NA GINANAP SA DALAHICAN ELEMENTARY SCHOOL KAMAKAILAN.
AYON KAY OGAYON, UPANG MATIYAK AT MAIWASAN ANG PAGLIBAN NG MGA ESTUDYANTE SA KANI-KANILANG MGA KLASE NANG DAHIL SA ANO MANG INIINDANG SAKIT, NARARAPAT LAMANG UMANO NA ANTABAYANAN RIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL.
DAGDAG PA NITO, SA PAMAMAGITAN NG SUPORTANG IBINIBIGAY NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PANGUNGUNA NI MAYOR DONDON ALCALA, MGA BRGY. OFFICIALS, GAYUNDIN NG IBA'T-IBANG TANGGAPAN GAYA NG CITY HEALTH OFFICE, CITY ANTI-DRUG COUNCIL , LUCENA PNP, MAGING ANG MGA ORGANISASYON GAYA NG QUEZON PROVINCE DENTAL ASSOCIATION, PTA FEDERATION AT IBA PANG MGA NON GOVERNMENT ORGANIZATIONS, SA LOOB NG ISANG TAON AY IIKOT ANG KANILANG DIBISYON SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA LUNGSOD UPANG BIGYANG PANSIN ANG PANGKALUSUGANG ASPETO NG MGA ESTUDYANTE SA PAMAMAGITAN NG SCHOOL BASED FEEDING PROGRAM,WATER, SANITATION AND HYGIENE SA MGA ESKWELAHAN, MAGING NG MEDICAL, DENTAL AND NURSING SERVICES PARA SA MGA ELEMENTRY STUDENTS.
PARA NAMAN SA MGA HIGSHCHOOLS STUDENTS, MAGDARAOS RIN SILA NG NATIONAL DRUG EDUCATION PROGRAMS , AT REPRODUCTUVE HEALTH EDUCATION PROGRAMS UPANG MABIGYAN NG GABAY ANG MGA KABATAAN NANG SA GAYON AY HINDI MALIGAW ANG LANDAS.
AYON NAMAN KAY DR. DANTE DIAMANTE, MEDICAL OFFICER 4 NG DepEd LUCENA, PARTE NG KANILANG PROGRAMA ANG PAMIMIGAY NG HYGIENCE KIT NA MAY LAMANG TOOTHPASTE, TOOTHBRUSH, AT SABON NA IPAMAMAHAGI NILA SA MGA ESTUDYANTE NG MAHIGIT SA 40 PAARALANG PANG ELEMENTARYA SA LUNGSOD. MAYROON RIN UMANO SILANG IPAMAMAHAGI NA MAHIGIT SA 50 LIFE KIT SA IBA'T-IBANG PAARALAN NA NAGLALAMAN NG PAGKAIN, TUBIG, PITO, FLASHLIGHT, AT MGA GAMOT AT PWEE PANG DAGDAGAN NG IBA PA.
DAGDAG PA NITO, BAGAMA'T ISA LAMANG SA BAWAT PAARALAN ANG KANILANG IBABAHAGI, NAKATITIYAK SIYANG SA TULONG NG MGA STAKEHOLDERS NG MGA PAARALAN, DARATING ANG ARAW NA MADARAGDAGAN PA ITO. NANANAWAGAN RIN SI OGAYON SA MGA GRUPO, TANGGAPAN, AT MGA ORGANISASYON NA INTERISADONG MAGBIGAY PA NG KANILANG SERBISYO AT ESPESYALIDAD UPANG MAKATULONG NG DEPED LUCENA SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN NG MGA ESTUDYANTENG LUCENAHIN NA TIYAK NA MAGIGING MALAKING HAKBANG UPANG MAGTAGUMPAY ANG MGA ITO SA BUHAY.
(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments