Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL ANACLETO ALCALA III, INAASAHAN ANG PAGIGING AKTIBO NG MGA KABATAAN SA PAGPAPANATILI NG KALINISAN NG KAPALIGIRAN

“Inaasahan po natin na sa bawat pagpapatawag ng solid waste management hinggil sa usapin ng pag-aalaga sa kapaligiran ay maging aktibo ang ...

“Inaasahan po natin na sa bawat pagpapatawag ng solid waste management hinggil sa usapin ng pag-aalaga sa kapaligiran ay maging aktibo ang kabataan”, ito ang naging pahayag ni Konsehal Anacleto Alcala III sa ginanap na regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.

Kaugnay ito sa inilahad na pribilehiyong talumpati ni SK Federation President, Konsehal Patrick Nadera.

Parte kasi ng naging talumapti nito ang pakikiisa ng mga kabataan sa pagpapaigting ng proper waste segregation at ang pagpapatibay ng reduce, reuse, recycle policy sa lungsod.

Ayon kay Konsehal Alcala bilang siya ang tumatayong chairperson ng Committee on Environmental Protection sa lungsod, ay malaking bagay ito aniya sa kanila bilang mahigpit at maigting ang isinasagawa nilang kampanya ukol dito.

Inilahad din ang pagsuporta ng SK Federation sa ginanap kamakailan sa Barangay Talao talao na mangrove tree planting kaisa sa Arbor Day, na pinasalamatan ni Konsehal Alcala para sa pakikiisa dito.

Dagdag pa ni Konsehal Alcala, dahilan aniya sa inisyatibo ni Nadera at ng kanyang mga kasamahan ay posibleng gumaan ang trabaho ng kanilang komitiba gayundin ng mga tumutulong sa pag-iimplementa ng mga panuntunan nito.

Nauna dito, binati din ni Konsehal Alcala si Nadera sa unang araw nito bilang lingkod bayan at binigyang suporta ang mga programa na inilatag nito para sa mga kapwa niya kabataan.

Inaasahan naman na mas mapapaigting pa ang kampanya para sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan na din ng pinagsamang pwersa at pagtutulungan ng pamahalaang panlungsod katuwang ang mga kabataan ng lungsod ng Lucena. (PIO Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.