Nakakabigla, nakakatakot at nakakabahala, ito ang naramdaman ng halos lahat ng mga Pilipino matapos sunod-sunod na ibalita ang pagkakapatay...
Nakakabigla, nakakatakot at nakakabahala, ito ang naramdaman ng halos lahat ng mga Pilipino matapos sunod-sunod na ibalita ang pagkakapatay sa ilang mga opisyales ng gobyerno.
Magmula kay Tanauan City Mayor Antonio Halili na binaril habang umaawit ng Lupang Hinirang sa kasagsagan ng Flag Raising ng kanilang munisipyo na nasundan ng pananambang sa alkalde ng General Tinio, Nueva Ecija na si Mayor Ferdinand Bote.
Hindi pa man natatapos ang isang lingo ay binaril naman ang bise-alkalde ng Trece Martires Cavite na si Vice Mayor Alexander Lubigan at nito nga lang ay ibinalita naman ang pagkakapatay kay Vice-Mayor Alrashid Mohammad Ali ng Sapa-Sapa, Tawi-Tawi.
Sa naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa kanyang pribilehiyong talumpati kamakailan, tila nabubuhay na aniya ang lahat sa kultura ng may karahasan at hanggat hindi aniya nagiging biktima ay mananatiling tahimik na lang ang ilan.
“Sa kawalan ng pakialam, sa takot at sa pagtitimpi, ang pananahimik ay pagpayag”’ dagdag pa ni Llaga.
Katulad aniya ng ibang mamamayan partikular na ang mga magulang ay naghahangad din siya ng tahimik at mapayapang buhay at walang pag-aalala sa kaligtasan ng bawat isa lalo’t higit ng kaniyang pamilya.
Wala nang mas gagaan pa sa pakiramdam na aalis ka sa iyong mahal sa buhay at babalik na walang takot sa anumang pwedeng mangyari sa kanila.
Ayon pa kay Llaga, nagnanais ang lahat ng maayos na lipunan na walang krimen at pagpatay. Ang mga nagkakasala sa batas ay pinaparusahan ayon sa batas.
At sa kabila ng ganitong uri ng mga insidente, manatili at magpatuloy pa rin sana aniya ang lahat na maghangad ng katarungan at kapayapaan hindi lang sa lungsod ng Lucena kundi pati na rin sa buong bansang Pilipinas.
Binuhay din ni Llaga ang sinabi ni Mahatma Gandhi, ang naging tagapanguna at tagapagpaganap ng pagpipigil sa kalupitan sa India sa pamamagitan ng mapayapang sibil ng pagsuway na nagdulot sa pagiging malaya ng bansa, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo.
Ayon kay Gandhi, mayroon mang mga kaganapan ng labanan, karahasan at paghihirap, hindi kailanman ito mananalo dahil sa huli ang katotohanan, pagkakaisa at pagmamahalan ng bawat isa pa rin ang mananaig. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments