Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA, NAGPAHAYAG NG KANYANG SUHESTYON TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG INFORMATION DISSEMINATION SYSTEM NG LUNGSOD

 KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA SA PAGKAKAROON NG INFORMATION DISSEMINATION SYSTEM NG LUNGSOD, HATID NITO AY MALAKING RESPONSIBILIDAD ...

 KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA
SA PAGKAKAROON NG INFORMATION DISSEMINATION SYSTEM NG LUNGSOD, HATID NITO AY MALAKING RESPONSIBILIDAD PARA SA MGA KAWANI NG LUCENA RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE NA SYANG HAHAWAK AT MAGOOPERATE NITO, ITO ANG BINIGYANG DIIN NI KONSEHAL SUNSHINE ABCEDE-LLAGA KAUGNAY NG NAGING PROPOSAL NG NASABING TANGGAPAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN KAMAKAILAN.

SA ORAS NA MAGKAROON NA NG INFORMATION DISSEMINATION SYSTEM ANG LOKAL NA PAMAHALAAN, AGAD NA MABIBIGYAN NG ABISO NG LDRRMO ANG MGA LUCENAHIN TUNGKOL SA MGA DISASTER RELATED BULLETINS, FARMING AND FISHING UPDATES AT COMMUNITY ANNOUNCEMENTS GAYA NG SUSPENSYON NG MGA KLASE, COMMUNITY ACTIVITIES, FIESTA, FESTIVAL, JOB FAIR, AT PUBLIC MEETING SA PAMAMAGITAN NG TEXT.

AYON KAY ABCEDE, KAPALIT NG MARAMING KAPAKINABANGAN NG NASABING SYSTEM KAAKIBAT NITO’Y MALAKING RESPONSIBILIDAD AT OBLIGASYON PARA SA LDRRMO.

UNA NA UMANO RITO ANG PAGBUO NG DATA BASE KUNG SAAN KINAKAILANGANG MANGALAP NG NASABING TANGGAPAN NG KUMPLETONG MGA NUMERO NG IBA’T-IBANG MYEMBRO NG MGA ORGANISASYON AT SAMAHAN, NON-GOVERNMENT OFFICES, BARANGAY ASSOCIATIONS, AT NG MGA OPISYALES NG BAWAT BARANGAY NANG SA GAYON AY MAIHATID SA MGA MAMAMAYAN O PARTIKULAR NA GRUPO ANG MGA IMPORMASYON.

TULAD HALIMBAWA NG MGA FARMING AND FISHING UPDATES , PARTIKULAR NA TUNGKOL SA PANAHON NA KAILANGAN LAMANG ISEND SA MGA SAMAHAN NG MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA SA LUNGSOD.

TINIYAK NAMAN NI JESUS MATA,OPERATIONS AND WARNING OFFICER NG LDRRMO, MAY SAPAT NA KAWANI ANG KANILANG TANGGAPAN UPANG MANGALAP NG MGA NUMERO NA ILALAGAY NILA SA DATA BASE NG INFORMATION DISSEMINATION SYSTEM.

KAUGNAY NITO, BINIGYANG PANSIN RIN NI ABCEDE NA MAGIGING MALAKING RESPONSIBILIDAD NG SINO MAN ANG PANGANGALAGA SA DATA BASE NA ITO.

BUKOD UMANO SA MAARING MAGING KASO DAHIL SA PAGLABAG SA DATA PRIVACY ACT SAKALING LUMABAS AT MAGKAROON NG ACCESS DITO ANG IBA PA BUKOD SA MISMONG HAHAWAK NG DATA BASE MAARI RING DAHIL SA MAKABAGONG PANAHON AY HACK ITO AT GAMITIN SA IBANG BAGAY O LAYUNIN.

DAGDAG PA NI ABCEDE, LALO’T HIGIT PAGDATING SA PAGAANUNSYO NG PAGSUSUSPINDE NG MGA KLASE, DAPAT UMANONG KUNG ANO LAMANG ANG IPADALANG IMPORMASYON MULA SA MAYOR’S OFFICE SA PAMAMAGITAN NG PUBLIC INFORMATION OFFICE, AY SYA LAMANG DAPAT NA IPAKALAT.

DAPAT RIN UMANO NA BAGO IPADALA ANG MGA MENSAHE AY MAY MGA RESPONSIBLE OFFICER NA MAGCHECHECK NG MGA IMPORMASYONG IPAPAKALAT.

KAUGNAY NITO AY INIHALIMBAWA NI ABCEDE ANG NAGING PANGYAYARI NANG MINSANG NAGKAROON NG MGA BALITA NA PUMUTOK ANG BUNDOK BANAHAW NA PINAGSIMULAN NG KAGULUHAN AT PANIK NA NAGRESULTA PA NG PAGKAMATAY NG ILAN.

DAGDAG PA NITO, GAYUNDIN UMANO PAGDATING SA PAG-AANUNSYO NG SUSPENSYON NG MGA KLASE KUNG SAAN MABIBIGYAN NG AGARANG UPDATE ANG MGA LUCENAHIN MULA MISMO SA LOCAL NA LEBEL NANG SA GAYON AY HINDI NA MULING MAGDULOT PA NG KALITUHAN.

SA MAKATUWID, MULA SA PANGANGALAGA NG MISMONG DATA BASE, PATI NA ANG NILALAMAN NG IPAKAKALAT NA IMPORMAYSON HANGGANG SA MISMONG PAGPAPAKALAT NITO, KINAKAILANGAN NA NAKATUTOK AT MANATILING RESPONSIBLE ANG NASABING TANGGAPAN. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.