Konsehal Sunshine Abcede-Llaga Kaisa sa pagdiriwang ng ika-40th national disability prevention and rehabilitation week celebration sa l...
Konsehal Sunshine Abcede-Llaga |
Ayon kay Llaga, ang araw ng pagkakapasa nito ay mas maituturing na makabuluhan dahilan sa ipinagdiriwang din sa kaparehong araw ang kaarawan ng bayaning si Apolinario Mabini.
Nakapaloob sa Article II ng naturang code ang iba’t ibang sections na naglalaman ng mga programa hinggil sa iba’t ibang aspeto katulad ng edukasyon, pagkakapantay-pantay, kalusugan, economic development at iba pa.
Para sa aspeto ng edukasyon, isinasaayos na nila aniya ang pagkakaroon ng oportunidad ng mga natatanging sektor na makapag-enroll at makapag-aral ng iba’t ibang kurso sa Lucena Manpower Skills and Training Center gayundin ang pagkakaroon ng tanggapan ng City Library ng additional resources para sa mga mayroong visual impairment tulad ng Braile System at Abacus.
Sa aspeto naman ng kalusugan, patuloy pa rin ang pagtanggap ng libreng pagpapatingin at pagbibigay ng mga gamot sa mga PWDs kaisa ang City Health Office.
Muling ibinahagi din nito ang pamimigay ng mga assistive devices tulad ng wheelchairs, crutches, walkers maging ang hearing aid sa mga ito at ang customized motorcabs at rehabilitation center sa lungsod.
Hinihikayat naman aniya ng pamahalaang panlungsod ang lahat ng mga opisina at departamento na magsasagawa ng kanilang programa at aktibidad na ang gawing partisipante o benepisyaryo ang mga PWDs na nasa dalawang porsyentong bilang ng kanilang kabuuang kalahok.
Sa huli ay hinihiling ang tuloy-tuloy na pakikiisa ng lahat sa mga programa para sa natatanging sektor ng lipunan. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)
No comments