Sa naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga kaugnay sa isinagawang pribilehiyong talumpati ni SK Federation President Councilor Pat...
Sa naging pahayag ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga kaugnay sa isinagawang pribilehiyong talumpati ni SK Federation President Councilor Patrick Nadera kamakailan, hiniling nito ang partisipasyon ng Sangguniang Kabataan sa mga programa para sa Kabataang Lucenahin.
Partikular aniya ang tulong at suporta nila sa pagbabago at pag-aupdate ng Children and Youth Welfare Code ng lungsod.
Hinihiling nito na makatulong ang Sangguniang Kabataan sa pagsusuri at pag-aamyenda ng nasabing alituntunin.
Dagdag pa ni Llaga, sa pagsusuri ng naturang code ay inaasahan idadagdag na din ang mga programang inihain ni Nadera para sa mga kabataan tulad na lang ng Mobile eSKwela, pagpapaigting ng reduce, reuse, recycle policy at ang pagpapalinang pa sa mga larong pampalakasan.
Una dito, malugod na tinanggap ni Llaga si Nadera bilang kinatawan ng mga kabataan sa lungsod na tinatayang limang taon bago muling nagkaroon ng representasyon sa kapulungan.
Sa huli ay ikinatuwa niya ang naging pahayag ni Nadera na lalangkapin nito ang moralidad at susuriing mabuti ang mga bagay na tama at mali, mga nararapat at hindi at ang lahat ng makakabuti sa mamamayan at hindi sa pangsariling kapakanan lamang. (PIO Lucena/M.A. Minor)

No comments