Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL VIC PAULO, NAMAHAGI NG WASTE BASKET SA MGA TRICYCLE DRIVER SA LUNGSOD

Konsehal Vic Paulo Upang makasunod sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ng lucena ang mga tricycle drive ay namahagi si Konsehal ...

Konsehal Vic Paulo

Upang makasunod sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ng lucena ang mga tricycle drive ay namahagi si Konsehal Vic Paulo ng Waste Basket sa mga ito.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa kaniyang tahanan sa La Melagrosa sa bahagi ng Barangay 9.

Kasama ng konsehal sa pagbibigay ng mga Waste Basket ang Hepe ng Tricycle Franchising and Regulatory Office na si Noriel Obcemea mga Staff nito ganoon din ang mga pangulo ng TODA sa lungsod.

Nasa tatlong libo peraso ng naturang basurahan ito ang naipagkaloob ni Councilor Paulo sa mga magtatricycle sa lucena.

Sa naging panayam naman ng TV12 sa konsehal ay sinabi nito na ang pagbibigay niya ng Waste Basket na ito ay may kaugnayan pagpapatawag ng City General Services Office sa pangunguna ni OIC Rosie Castillo sa mga tricycle driver sa lungsod.

Ito aniya ay may kaugnayan din sa isang batas na matagal na at hindi naipaimplementa sa lungsod taon 2004 na ang Author nito ay si dating konsehal Thelma Alana na nagbabawal na magtapos ng basura sa kalsada.

Ayon kay Paulo, sa ngayon ay mayroon aniya na maaasign, manghuhuli na Eco-police sa lungsod sa mga nagtatapon ng basura sa kalsada ganoon din ang mga tricycle na walang basurahan.

Kung saan ay may karapatang multa sa mga mahuhuli nating mga kababayan at ganoon din sa mga tricycle driver.

Sinabi naman ng konsehal, na alam niya ang buhay ng mga magtatricycle sapagkat bukod sa pagiging maninindahan sa palengke noon ay namasada rin siya ng tricycle bago naging konsehal.

Dagdag pa chairman ng Transportation sa lungsod, ang pagbibigay niya ng waste basket sa tatlong libong magtatricycle sa lungsod ang layunin nito magkaroon uniform ang basurahan.

Bagamat anim na libo ang mga tricycle sa lungsod ay sa tingin niya makasusunood ang natitirang tatlong libo pang mga driver ng tricycle at makapagproprovide ang mga ito ng kanilang sariling basurahan.

Samantalang idinagdag pa ni Vic Paulo, na maliit na bagay lamang ang kaniyang ipinamahaging waste basket mula sa kaniyang sarili bulsa.

Malaki naman aniya ang kapakinabangan nito dahil maganda ang magiging epekto nito sa lungsod ng lucena.

Sapagkat dito na itatapon ng mga pasahero ang kanilang basura mula sa kinain nila tulad ng balat ng saging at iba pa at hindi kalat kalat sa kalsada.

Sa huli ay nagbigay ng tagubilin si Councilor Paulo, sa mga nasa hanay sektor ng magtatricycle sa lungsod na sumunod sa mga ipatutupad ng pamahalaan panlungsod tulad ng nasabing batas.

Ito naman ay para sa kabutihan at kalinisan ng ating lungsod na ito rin ang ninanais ni Mayor Dondon Alcala na maging kaaya aya ang lucena city sa mga bibisita sa ating lugar. (PIO Lucena/ Jayr Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.