Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL WILLIAM NOCHE BINATI ANG IGLESIA NI CRISTO SA KANILANG IKA-104 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG

Ngayon darating ng Biyernes ika-27 ng hulyo taong kasalukuyan ay ipagdiriwang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang ika-104 taon ng pagka...

Ngayon darating ng Biyernes ika-27 ng hulyo taong kasalukuyan ay ipagdiriwang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang ika-104 taon ng pagkakatatag na nagsimula sa punta, Sta. Ana Manila noong buwan ng Hulyo 1914 at kinilala ng Philippine Government noong din taon iyon sa pangunguna ni Executive Minister Ka Felix Manalo.

At kilala ang Iglesia ni Cristo sa may pinakamalaki sapananampalataya sa diyos sa pilipinas at sa buong mundo.

Kilala bilang disiplinado, may pagkakaisa, may kaayusan sa pagsamba at kumikilala sa kanilang liderato.

Ganoon din ang ginagawang pagtulong ng mga kapatid na Iglesia ni Cristo sa mga maralita nating mga kababayan.

Ito ang binanggit ni Konsehal William Noche sa pribiliheyong talumpati nito sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.

Ayon kay Noche, gugunitain din ang ika-50 taon ng paglago at pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo sa ibayong dagat.


Ayon pa dito kaugnay ng pagdiriwang nagsagawa ng mga kapakinabangan na gawain sa bawat dako ng paglilikod at pagpapalaganap ng katuruan batay sa banal na kasulatan.

Dagdag pa ng Butihin Konsehal, isang linggo na rin ang nakalipas ay inilunsad nila ang “Lingap Laban sa Kahirapan”, Aid to Fight Povertyat ginanap sa Quirino Grandstand.

Sa nasabing aktibidaday nakaloob ng libreng medical and dental services sa mga kasapi at di kaanib ay tumanggap ng libre serbisyo at pantay na paglingap buhat sa mga kaibigan na umaagapay sa INC at sa pamunuan mismo ng Kapatiran.

Sinabi naman ni Konsehal Noche, na nasambit sa kaniya ng kaniyang anak na si Engr. Wilbert Mckinly Lagraso Noche “tunay na kahanga-hanga ang pagkilos, pagkakaisa at paglago ng Iglesia Ni Cristo globally at ang kanilang adhikain na paggabay at pagtulong para labanan ang kahirapan”.

Samantalang sa huli bahagi ng kaniyang talumpati ay binanggit nito na siya at ang mga magigiting na na namumuno sa lungsod ng lucena sa pangunguna ni Mayor Roderick “DOndon” Alcala, Vice Mayor Philip Castillo at mga masisipag na konsehales ay nagpupugay at bumabati sa lahat ng kaanib ng Iglesia NI Cristo sa Kanilang “104th Founding Anniversary from the East and 50th to the West ngayon biyernes.

Hiniling din ni Noche, na mabigayn ng sipi ang INC Church Administration sa pangunguna ni Executive Minister, Bro. Eduardo V Manalo at ang Tagapagsalita ng Distrito ng Quezon, Ka Daniel N. Mangilit.

Sinang-ayunan naman ang naturang kahilingan ito ni Councilor Noche ng kaniyang kapwa konsehal. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.