Kasabay ng kabi-kabilang mga paliga sa lungsod, hindi nagpahuli ang koponan ng Mayors’s Team, at ilang mga kaparian sa lungsod matapos na m...
Kasabay ng kabi-kabilang mga paliga sa lungsod, hindi nagpahuli ang koponan ng Mayors’s Team, at ilang mga kaparian sa lungsod matapos na magharap ang mga ito sa isang basketball exhibition game kamakailan.
Pinamunuan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang koponan nig Mayor’s Team kasama si Councilor Anacleto Alcala III at dating konsehal na si Amer Lacerna.
Pinangunahan naman ni Bishop Mel Rey Uy kasama si Reverend Msgr. Dennis Imperial ang delegasyon ng mga kaparian.
Naging kapana-panabik ang laban ng dalawang koponan na kung saan ay nagpapalitan lamang ang mga ito ng kalamanagan at maging ang mga nanonoood dito ay napapasigaw rin sa ganda ng naging laban ng mga ito.
Lalo pang nagsisigawan ang mga manonoood sa tuwing maghaharap sina Mayor Dondon Alcala at Bishop Mel Rey Uy at sa tuwing makakaiskor ang mga ito.
Ang paglalarong ito ng dalawang koponan ay bilang bahagi ng taunang paliga ng diocese ng lungsod na naglalayong mapasilga rin ang katawan ng mga kaparian at mga naglilingkod sa simbahan gayundin ang pagbuo sa magandang samahan pa ng mga ito.
Ang pakikipaglarong ito naman ni Mayor Dondon Alcala sa mga ganitong uri ng aktibidad ay upang ipakita na hindi lamang siya nakatutuok sa serbisyo publiko kundi maging sa sector ng pampalakasan at isang paraan rin niya ito upang makahalubilo ang mga mamamayan sa lungsod. (PIO LUcena/ R. Lim)
Ginanap ang nasabing larong ito sa covered court ng Maryhill College na kung saan ay bilang bahagi bahagi ng taunang paliga ng Diocese ng Lucena.

No comments