Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LCDRRMO, PANGUNGUNAHAN ANG ISASAGAWANG RESCUE MARCH SA KATAPUSAN NG BUWAN

BILANG PAGTALIMA SA R.A . 10121 O MAS KILALA BILANG PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT ACT AT PAGDIRIWANG NG NATIONAL RESILIENCE...

BILANG PAGTALIMA SA R.A . 10121 O MAS KILALA BILANG PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT ACT AT PAGDIRIWANG NG NATIONAL RESILIENCE MONTH NGAYONG BUWAN NG HULYO, ISA SA MGA PINAGHAHANDAANG AKTIBIDAD NG LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCATION MANAGEMENT AY ANG GAGANAPING RESCUE MARCH SA IKA -31 NG HULYO, ITO ANG NAGING PAHAYAG NG HEPE NITO NA SI JANET GENDRANO.

AYON SA PAG-AARAL NG PHILIPPINE STATISTICS NOONG TAONG 2011, HINDI BABABA SA 24 NA SUNOG HABANG 156 CRIME INCIDENTS NAMAN ANG NANGYAYARI SA LOOB NG ISANG ARAW SA BUONG BANSA NA NANGANGAHULUGAN LAMANG NA MATINDI ANG PANGANGAILAN NG MADALIANG PAGRESPONDE SA MGA NASABING SITWASYON UPANG MAKAPAGSAGIP NG MARAMING BUHAY AT ARI-ARIAN.

KAUGNAY NITO, SIMULA NOONG ISANG LINGGO HANGGANG SA SUSUNOD PA AY KASALUKUYANG NAGSASAGAWA ANG LCDRRMO NG TRAINING SA IBA’T-IBANG BARANGAY SA LUNGSOD UPANG HASAIN ANG MGA ITINALAGANG BARANGAY EMERGENCY RESPONSE TEAM NG BAWAT LUGAR.

AYO KAY GENDRANO, SA PAMAMAGITAN NG GANITONG HAKBANGIN, HINDI NA MATATAGALAN ANG RESPONDENG KINAKAILANGAN NG MGA BIKTIMA SA KAHIT NA ANO MANG LUGAR AT ORAS DAHIL BAGO PA MAN DUMATING ANG TULONG MULA SA MISMONG LCDRRMO, MAY MAASAHAN NANG MGA BRGY. ERT NA SIYANG PINAKA-UNANG DUDULOG SA PANGANAGAILAN NG MGA BIKTIMA.

PAGKATAPOS UMANO MAGSANAY NG MGA BRGY. ERTS, GAYUNDIN NG INCIDENT COMMAND SYSTEM NG TANGGAPAN, MAGHAHANDA NAMAN ANG LCDRRMO PARA SA ARAW NG RESCUE MARCH KUNG SAAN INAASAHANG MAKIKIISA ANG LAHAT NG BAHAGI NG LUCENA CITY EMERGENCY RESPONSE TEAM, GAYUNDIN ANG BAGONG SANAY NA MGA BRGY. ERTS, BUREAU OF FIRE PROTECTION, LUCENA PNP AT ILANG MGA PANAUHIN MULA SA NASYONAL NA LEBEL.

AYON KAY GENDRANO, HINDI ORDINARYONG PAGPARADA LAMANG ANG MANGYAYARI SA NASABING RESCUE MARCH, SAPAGKAT MAY MGA LUGAR UMANONG TITIGILAN KUNG SAAN MAY MGA BIKTIMA NG IBA;T-IBANG INSIDENTE NA MADADAANAN NA KINAKAILANGANG RESPONDEHAN NG MGA EMERGENCY RESPINCE TEAM.

LAYUNIN UMANO NITO NA MAIPAALAM SA MGA LUCENAHIN ANG KAHALAGAAN NG AGARANG PAGREREPORT NG MGA EMERGENCY CASES AT CRIME INCIDENTS NA NANGYAYARI SA LUNGSOD NANG SA GAYON AY MAIWASANA NG PAGDAMI NG CASUALTIES SA ISANG INSIDENTE.

GAYUNDIN UPANG MAHIKAYAT ANG MGA MAMAMAYAN NA MAKIISA SA MGA AKTIBIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN PARTIKULAR NA SA PAGPAPANATILI NG KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN SA LUNGSOD NG LUCENA.

INAASAHAN NI GENDRANO NA SA PAMAMAGITAN NG PAG SUPORTA AT PAKIKIISA NG BAWAT ISA SA NASABING AKTIBIDAD, MAIPAPAKITA NG MGA LUCENAHIN ANG KALAKASAN NG LUNGSOD NG LUCENA PAGDATING SA KAHANDAAN AT PAGRESPONDE SA KAHIT NA ANO MANG SAKUNA. (PIO LUCENA/C. ZAPANTA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.