(Nasa Larawan: sina DILG for Barangay Affairs USEC. Martin Diño, Mauban Quezon ABC President at kalusukuyang PPLB President Hon. Ferdinan...
LUCBAN, Quezon - Sa sinasabing pag-aarmas o pagbibigay ng baril sa mga Barangay Chairman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay iba’t- ibang reaksyon ng mga mamayanan mula sa ibat-ibang sector ng lipunan maging ang simbahan at mga senador at kongresista, particular ang mga nasa opposition group.
Ayon sa mga ito, bakit daw bibigyan ng baril ang mga Barangay Chairman na may kabuuang bilang na humigit 42,000 sa buong bansa na anila kapag binigyan ng armas ang mga ito ay tiyak na magkakaron ng pang-aabuso sa parte ng mga barangay chairman. Subalit kung si USEC. Martin Diño ng DILG for Barangay Affairs ang tatanungin ay dapat lamang na bigyan ng armas ang mga Barangay Officials dahil sila umano ang first line of defense ng gobyerno laban sa lahat ng klase ng kriminalidad, illegal drugs at ang bagong trend ng extremism o mga teroristang grupo.
Ayon kay USEC. Diño sa mga artikulo at probisyon ng RA. 7160 o ang Local Government Code of 1991 particular sa chapter 3, letter c – in the performance of Barangay Officials subject to appropriate regulations at batay na rin sa mga prebelihiyong ibinibigay sa kanila ay pwedeng bigyan ng baril ang mga Brgy. Chairman.
Aniya, ang Local Government Code na siyang bibliya ng mga local na opisyal ng pamahalaan ay nararapat lamang na lagi itong isagawa at isabuhay. Si USEC. Diño na 13 taong brgy. Chairman sa brgy. San Antonio, Quezon City ay sinabing sa mga problema ng mga mamamayan sa barangay ay ang mga barangay opisyal ang syang unang kinakatok at hinihingan ng tulong. Aniya, ipinakita ng Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mga Brgy. Officials ng itinalaga umano siya ng Pangulo bilang Under Secretary for Barangay Affairs sa Department of Interior and Local Government.
Samantala tiniyak ni USEC. DIÑO sa harap ng mga nanumpang barangay officials sa Lucban Quezon na maipapasa ngayong 18th Congress ang MagnaCarta for the Barangay Officials na noon pang 14th Congress isulong ng mga Kongresista at Senador.
Ayon kay USEC. DIÑO, sa ilalim ng Declaration and policies for Barangay Officials ng nasabing MagnaCarta ay magiging regular government employees ang mga Barangay Officials dahil elected umano ang mga ito tulad ng SK, personnel sa barangay ay magiging entitled sila sa fix salaray, health benefits, insurance benefits at iba pang benepisyo na tinatanggap ng mga regular na empleyado ng pamahalaan.
Ayon naman sa ABC President ng Mauban Quezon at kasulukuyang PPLB PRESIDENT na si BM FERDINAND “FERLOU” Q. LLAMAS II ay napapanahon na mabigyan ng tamang pasahod at benepisyo ang mga barangay officials dahil 24/7 ang trabaho ng mga ito sa mga mamamayan. Nagpasalamat din kay Pangulong Duterte itong si PPLB PRESIDENT LLAMAS dahil ito lamang ang presidente ng bansa na nagpakita ng totoong malasakit sa kapakanan ng mga Barangay officials.
No comments