SA PANGUNGUNA NG HEPE NG LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE NA SI JANET GENDRANO AY MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG LUCENA...
SA PANGUNGUNA NG HEPE NG LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE NA SI JANET GENDRANO AY MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG LUCENA CITY DRRM COUNCIL 2ND QUARTERLY MEETING KAMAKAILAN NA DINALUHAN NG MGA KAPITAN NG MGA BRGY.,MGA HEPE AT REPRESENTANTE NG IBA’T-IBANG TANGGAPAN GAYA NG BUREAU OF FIRE PROTECTION, LUCENA PNP, DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT, CITY PLANNING, CITY ENGINEERING, CITY AGRICULTURE, CITY BUDGET, CITY ACCOUNTING AT IBA PANG NON GOVERNMENT ORGANIZAIONS SA LUNGSOD.
BILANG PANIMULA, BINIGYANG DIIN NG EXECUTIVE ASSISITANT NI MAYOR DONDON ALCALA NA SI JOE COLAR ANG KAHALAGAHAN NG PAGDARAOS NG NASABING PAGPUPULONG LALO’T HIGIT PARA SA MGA BAGONG HALAL NA KAPITAN NG BARANGAY NA SYANG NAGSISILBING KANYON SA ORAS NG GYERA.
AYON DITO, BAGAMA’T MAGBIBIGAY NG SUPORTA AT TULONG ANG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PANGUNGUNA NI MAYOR DONDON ALCALA, ANG MGA KAPITAN PARIN NG BAWAT BARANGAY ANG SYANG MAGSISILBING FRONTLINE AT DIREKTANG RESPONSABLE SAKALING TUMAMA ANG ANO MANG KLASE NG SAKUNA AT KALAMIDAD SA KANI-KANILANG MGA LUGAR.
BILANG PARTE NG ISINAGAWANG MEETING, INIHAYAG NI GENDRANO ANG MGA NAGING ACCOMPLISHMENTS NG KANILANG TANGGAPAN PATI NA RIN ANG MGA DAPAT PANG PUNAN AT GAWIN MULA SA PLANONG PANGKALIKASANG KANILANG ISINUMITE PARA SA TAONG 2018.
BINIGYAN DIN NG PANSIN ANG MAGIGING TUNGKULIN AT PARTE NG BAWAT BARANGAY SA PAGBUO NG EMERGENCY RESPONSE TEAM AT ANG MGA DETALYE NG GAGAWING RESCUE MARCH NGAYONG BUWAN NG HULYO NA DADALUHAN RIN NG IBA’T-IBANG TANGGAPAN AT MGA BRGY. SA LUNGSOD.
NAGBIGAY RIN NG PAALALA SI GENDRANO SA MGA KAPITAN HINGGIL SA KANI-KANILANG MGA GAMPANIN AT RESPONSIBILIDAD PAGDATING SA PAGKAKAROON NG BARANGAY DISASTER RISK REDCTION MANAGEMENT COUNCIL MAGING ANG MGA NAKAAMBANG PARUSA SAKALING LUMABAG ANG MAG ITO SA REPUBLIC ACT NO. 10121.
TINALAKAY RIN SA COUNCIL MEETING ANG MGA GUIDELINES PARA SA GAGAWING PAGPILI NG KANILANG TANGGAPAN NG MGA REPRESENTANTE PARA SA NATIONAL AT LOCAL DRRM COUNCIL.
SAMANTALA , BINIGYANG DIIN NG CHAIRMAN NG COMMITTEE ON APPROPRIATION, BUDGET AND FINANCE NA SI KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO ANG PAGLALAAN NG MALAKI-LAKING PONDO AT PAGDADAGDAG NG MGA EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA LCDRROMO MATUGUNAN LAMANG AT MAPAGTULUNG-TULUNGAN ANG ANO MANG POSIBLENG DUMATING NA KALAMIDAD SA LUNGSOD NG LUCENA.
(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments