Nagpakita ng kahandaan sa lindol ang 2000 mag-aaral kabilang ang 60 guro sa pangunguna ng kanilang punong- guro , Audones B. Dueñas sa...
Nagpakita ng kahandaan sa lindol ang 2000 mag-aaral kabilang ang 60 guro sa pangunguna ng kanilang punong- guro , Audones B. Dueñas sa pakikiisa sa 2nd National Simultaneous Earthquake Drill noong June 21, 2018. Nagbigay si Sir Dueñas ng paunang oryentasyon para sa maayos at ligtas na pagsasanay ng mga mag-aaral at guro.
Isinagawa ng mga bata ang Duck, Cover and Hold habang tumutunog ang hudyat ng ng paglindol. Naging maabilis ang paglabas ng mga bata at guro pagkatapos ng sirena sa oras na 2 at kalhating minuto mas mabilis sa nakaraang earthquake drill na 6 na minuto noong nakaraang taon.
Nagkaroon din ng simulation drill ang mga batang scout sa agliligtas sa batang nasugatan sa pamumuno ng Scout leader , Cesar F. Ferran at School Guidance ounselor Ester L. Triviño. Nagkaroon ng post evaluation ang punong- guro para sa mas komprehensibong plano ng pagsasanay at paghahanda.
Sa tulong ng mga bumbero ng Bureau of Fire and Protection, opisyales mula sa Barangay Market View, at Samahan ng mga guro at Magulang, sila ang naging taga suri ng kabuuan ng pagsasanay. Erma Berzuela/Boots Gonzales
No comments