Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAGIHIT SA 400 MGA MAMAMAYANG LUCENAHIN NAGGRADUATE SA PROGRAMA NG LUCENA PNP NA SIPAG

Ang Lucena City PNP ay patuloy sa paggapan sa kanilang tungkulin upang pangalagaan ang katahimikan ng lungsod ng lucena, at isa sa kanilang...

Ang Lucena City PNP ay patuloy sa paggapan sa kanilang tungkulin upang pangalagaan ang katahimikan ng lungsod ng lucena, at isa sa kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang ilegal na droga.

At para mahingkayat ang ilan natin mga mamamayan lucenahin na matigil na ang kanilang nakasanayang bisyo ay isang programa ang kanilang inilunsad dito.

Ang programang ito ay ang tinatawag na SIPAG o Simula ng Pag-asa kung saan dito ay makapagsisimulasila ng pagbabagong buhay.

Kaya naman kamakailan ay mahigit sa apat na raan at pitongpo mula sa iba’t ibang barangay dito sa lungsod ng lucena ang mga nagsipagtapos sa nasabing programang ito ng Lucena City PNP.

Ang naturang aktibidad ay ginanap sa 3rd floor Event Theater ng Pacific Mallkung saan pinangunahan mismo ni OIC COP Police Superientendent Romulo Albacea katuwang ang City Anti-Drug Abuse Council sa pamumuno ni Francia Malabanan.

Naging panauhin naman dito si Police Senior Superientendent Usmundo De Guzman Acting Provincial Director ng Quezon Provincial Police Office.

Present din dito ang kinatawa mula sa DILG Lucena na si Joy Ingles at kasama pa nito, Pastor Joe Belisario at ilang mga kapitan, kagawad ng barangay sa lungsod upang suportahan ang kanilang mga kabarangay at maging ilang mga Pastor.

Ganoon din si Executive Assistant II at Host ng Pag-usapan Natin na si Arnel Avila na inipresenta si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Sa Naging pananalita ni Avila, ay binigyan papuri nito ang kuwerpo ng kapulisan lalo na dito sa lungsod ng lucena na pinamumunuan ni Col. Albacea, ganoon din si PD PSSupt. De Guzman at Hepe ng CADAC Francia Malabanan sa pagbibigay makabuluhang programa.

Sa mensahe naman nito sa lahat ng mga nagsipagtapos ay maganda aniya at pinili nila ang tamang landas para bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang sarili para yakapin ang pagbabago at maging makabuluhan bahagi ng ating lipunan.

Sinabi pa ni Executive Assistant II Arnel Avila, yakapin rin aniya nila ang ibinigay na pagkakataon sa kanila at pasalamatan ang lahat ng mga taong nasa likod ng nasabing programa.

Mula kay Mayor Dondon Alcala at sa kuwerpo ng kapulisan ng lucena sa pamumuno ni PSupt. Romulo Albacea, PD Usmundo De Guzman, Cadac head Francia Malabanan at DILG Lucena.

Samantalang pagkatapos magsalita ni Avila ay isinunod na ang pagbibigay ng sertipiko ng pagtatapos sa mga ito at ginabayan sila ng kanilang Punong Barangay sa pag-akyat sa intablado. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.