Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit na anim na daang pampublikong guro, binigyang regalo ng pamahalaan panlungsod

Binigyan ng regalo ng pamahalaan panlungsod ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan para sa mga buwan ng April, May, June at July, sa mahigi...

Binigyan ng regalo ng pamahalaan panlungsod ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan para sa mga buwan ng April, May, June at July, sa mahigit anim na daan mga pampublikong guro mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa 4th floor ng Lucena City Government Complex.

Magkasunod na araw ang isinagawang pabibigay na ito ng regalo sa mga guro.

Ang unang araw ay para sa mga nag-birthday ng Abril at Mayo na pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Sa naging pananalita nito ay Humingi naman ng paumahin ang Alkalde sa pagkakaantala ng regalong ito sa kanila ng pamahalaan panlungsod.

Sinabi pa ni Alcala, na huwag aniya na mag-alala ang mga ito dahil lagi nilang naaalala ang kaarawan ng mga ito.

Ang sumunod na araw naman ng pagkakaloob ng regalo ito sa mga guro ay para sa buwan ng June at July, kung saan ay nakasama ng punong lungsod si Konsehal Vic Paulo.

Sa ilang pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala dito ay sinabi niya na nabanggit nito kay Wendell na ang pagtingin niya sa lahat ng paaralan, sa mga supervisor, principal at teacher ay pantay pantay.

Kung kaya naman pinipilit ng pamahalaan panlungsod na maibigay ang mga nirerequest ng isang paaralan tulad ng sound system, tv at iba pa.

Samantalang ang pagbibigay na ito ng birthday cash gift sa mga guro ay isang pamamaraan niya ng pasasalamat dahilan sa mga nagawa ng mga ito sa mga kabataan sa pagkat ang mga ito ang tumatayong pangalawang magulang sa paaralan. (PIO Lucena/Jayr Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.