Aabot sa tinatayang mahigit na 10,000 mga punong bakawan ang itinanim ng mga kawani ng pamahalaang panlungsod kasabay ng pagdiriwang ng Nat...
Aabot sa tinatayang mahigit na 10,000 mga punong bakawan ang itinanim ng mga kawani ng pamahalaang panlungsod kasabay ng pagdiriwang ng National Arbor Day kamakailan.
Ginanap ang nasabing mangrove tree planting project sa Brgy. Talao-Talao na kung saan ay pinangunahan ito ni City Administrtor Anacleto “Jun” Alcala Jr bilang representante ni mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Nakiisa rin dito ang mga kawani ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Lucena City PNP, gayundin ang ilang mga estudyante mula naman sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.
Sa maiksing pananalita dito, at sa naging mensahe ni City Administrator Jun Alcala, kaniyang sinabi na nakikibahagi ang pamahalaangpanlungsod sa taon-taong pagdiriwang ng ganitong uri ng okasyon.
Dagdag pa nito na ang pagtataninm ng mga bakawan sa naturang lugar ay malaki ang maitutulong para sa mga residente ng nabanggit na barangay dahilan sa paglaki ng mga punong ito ay magiging tirahan ito ng mga isda.
At sa pagdami ng mga isdang maninirahan dito ay magkakaroon rin ng hanap-buhay ang mga mamamayan ng Talao-Talao na kanilang maaring ipagbili sa merkado.
Matapos na makapagsalita ang city administrator ay nagtungo na ang lahat ng partisipante sa tabing dagat ng lugar upang dito itanim ang mga bakawan.
Bakas na bakas sa mukha ng mga nagsipagtanim ng bakawan ang kaligayahan na makatutulong sila hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa hinaharap na panahon ng mga residente dito.
Ang pakikiisang ito ng pamahalaang panlungsod sa naturang aktibidad ay bilang pagpapakita ng pagsuporta sa mga programang lubos na makatutulong sa ating kapaligiran dahilan sa isa sa mga ninananais ng administrasyong Alcala ay ang mapangalagaan an gating kalikasan at ang kinabukasan ng mga mamamayan ng lungsod ng Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

Kasamang nakibahagi ng City Administrator sa naturang aktibidad sina Councilors Anacleto Alcala III, Atty. Sunshine Abcede-Llaga at Vic Paulo, ilang mga kapitan ng barangay kasama ang kanilang mga kagawad, SK Chairman at gayundin ang mga SK Kagawad.

No comments