Nasa mahigit sa 200 mga Lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban ng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakail...
Nasa mahigit sa 200 mga Lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban ng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakailan.
Ginanap ang nasabing pamamahaging ito sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal na ipinagkaloob ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga naturang benipisyaryo kasama si City Health Officer Dra. Jocelyn Chua.
Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng kaniyang mensahe ang City Health Officer na kung saan ay kaiyang pinasalamatan ang mga naging benipisyaryo sa ginawang pagtangkilik sa programang ito ng city government.
Aniya ang nabanggit na proyekto ay nasa ilalim ng Bagong Lucena Health Program na naglalayong mapatingnan ang mga mata ng pasyente nito at mabigyan ng tamang grado na naaayon sa kanilang paningin.
Dagdag pa ni Dra. Chua, nagpasalamat muli ito sa mga mamamayang lucenahin na naroon dahilan sa hindi nainip sa pag-iintay.
Ayon pa dito inunawa nila at niyakap ang tamang sistema sa gamutan para sa kanilang mga mata at sabik na maisuot ang salamin nila.
Di naman matatawaran ang ngiti ng iba pang benipisyuhan ng libreng salamin sa mata na ito sa ilalim ng programang Bagong Lucena Health program ng City Health Office.
Ang pagbibigay ng libreng mga eye glasses na ito sa mga kababayan sa lungsod ay isa lang pamamaraan ng administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala upang matulungan ang mga lucenahin na mabigayan kasagutan ang kanilang nanglalabong paningin lalo’t higit ang mga nakatatandang sektor ng lipunan. (PIO Lucena/Jayr Maceda)
No comments