Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Masalukot Uno Candelaria “Oath taking at inaugural session”

Hon Ireneo “Boyong “ Boongaling Barangay Captain , Masalukot Uno Cadelaria, Quezon by Boots R. Gonzales Candelaria, Quezon – Sa buwan n...

Hon Ireneo “Boyong “ Boongaling Barangay Captain , Masalukot Uno Cadelaria, Quezon


by Boots R. Gonzales

Candelaria, Quezon – Sa buwan ng Hulyo , muling pormal nang manununkulan ang mga nahalal na mga opisyales ng Lupon ng Barangay sa kani-kanilang mga nasasakupan sa boung bansa.

Sa Candelaria Quezon noong Hulyo 1, 2018 ginanap ang Turn Over , Oath Taking at Inaugural Session ng Barangay Masalukot Uno na pinangungunahan ng 2nd timer na nanalong kapitan na si Kapitan Ireneo “ Boyong “ Boongaling ganun din ng mga kasamang mga nahalal na bagong mga konsehales ng lupon ng nasabing barangay.

Sa pakikipagpanayam ng Sentinel Times sa butihing kapitan ng Masalukot Uno sa katauhan ni Kapitan Boyong Boongaling , sa araw na iyun pagkatapos ng pagpapakilala sa kanyang mga bagong halal ng mga konsehales , isa isa niya rin pinakilala ang mga stuff niya , barangay police at iba pang mga makakatuwang niya sa kanyang barangay. Pagkatapos , isinagawa agad ang pinakaunang session ng taon 2018 at dito naghaing ng mga bagong panukala si kapitan Boyong at ang mga balakin pa niya para sa ikalawang yugto niya bilang kapitan dito. Anya sa ikalawang pagkaupo niya ay marami siyang dapat baguhin na mga programa para sa kabutihan ng barangay. Ganun din taos pusong nagpasalamat siya sa kanyang mga kabarangay na muling nagtiwala sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

Sa larangan naman pulitika , inamin ng kapitan na siya ay may balak pumalaot para sa pagiging, ABC president ng lalawigan ng Quezon . Alam natin lahat ang pagiging ABC president ay awtomatikong kakatawanin ang pagiging Ex-Officio sa Sangguniang Panglalawigan kung saan isa ito sa mga makapag amiyenda ng batas.

Ayon kay Kapitan Boyong siya ay papalaot para sa nasaabing posisyon dahil anya gusto niyang ibahagi ang mga programa na nasimulan at nagawa ng kanyang barangay, ganun din maipasa ang mga bagong panukala at adhikain para sa ikakabuti ng mga barangay. Tulad anya sa kanyang unang session may naipasa agad siya na panukala patungkol sa hindi pag gamit ng cellphone habang sila ay nag sesession. At sa pag upo niya bilang isang Ex-officio ng Sangguniang Panlalawigan , ito agad ang kanyang unang ipanukala at sana ito ay sasang ayunan . Anya siya at ang kanyang mga kakampi ay nag iikot na bagamat alam niya na siya ay walang katungali ngunit patuloy ang kanyang pagpunta sa ibat-ibang barangay upang magpapasalamat na rin sa lahat na nagtiwala sa kanya.

Ngayon pa lamang pinaparating ni kapitan Boyong ang kanyang taos pusong pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa Candelaria na sumosuporta sa kanya tulad ng mga barangay kapitan ganun din sa kanyang ama na walang iba ang kinikilalang pilantropo ng Candelaria na si Ka Luding Boongaling , Mayor Macky Boongaling , Vice Mayor Ogie Suayan na nagtiwala sa kanya ng lubos at patuloy na sumusuporta. Ganun din sa kanyang butihin may bahay na si Kapitana Zaide Boongaling at mga anak para sa pagbigay sa kanya ng boung pagmamahal at suporta.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.