Bumisita sa isinagawang pagpupulong ng mga maninirahan sa itatayong tenement building sas lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakai...
Bumisita sa isinagawang pagpupulong ng mga maninirahan sa itatayong tenement building sas lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ginanap ang naturang pagpupulong na ito sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay dinaluhan ito ng tinatayang mahigit sa 200 mga Lucenahin.
Personal ring kinapanayam ng mga tauhan ng Social Housing Finance Corporation o SHFC ang mga posibleng manirahan dito upang alamin ang ilang mga impormasyon mula sa mga ito.
Kasama rin ng alkalde sa pagbisita niyang ito ang head ng Urban Poor Affairs Division na si Mam Lerma Fajarda kasama ang kaniyang mga staff bilang siyang nangangasiwa sa nasabing programa.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang ipinaliwanag sa mga dumalo dito ang gagawin ng mga tauhanng SHFC na aniya ay aalamin ang kakayanan ng mga ito kung kakayaning makapagbayad ng upa at sa nasabing pasilidad.
Dagdag pa rin ng punong lungsod, kung kakayanin ng mga ito na makabayad nang upa at kung papalarin ay bilhin ang unit dito ay mapapabilang sila sa mga benipisyaryo sa tinatawag na tenement building.
Lubos ring pinasalamatan ni Mayor Alcala ang lahat ng mga tauhan ng SHFC na nagtungo dito upang kapanayamin ang mga maaring posibleng manirahan sa itatayong tenement building sa lungsod lalo’t higit sa kanilang presidente na si Atty. Arnulfo Ricardo Cabling sa pag-apruba sa proyektong nabanggit.
Ang itatayong tenement building na ito na programa ng pamahalaang panlungsod na murang pabahay sa ilang mga Lucenahin ay matatagpuan sa Brgy. Marketview na kung san ay tinayang mahigit sa 600 pamilya mula sa iba’t-ibang parte ng lungsod ang makikinabang dito.
Ang ganiotng uri ng mga programa ni Mayor Dondon Alcala ay dahilan sa pagnanais niya na magkaroon ng maayos at murang pabahay ang mga mamamayan ng lungsod lalo’t higit ang mga naninirahan sa mga tabing ilog upang sa ganun ay mailayo angmga ito sa kapahamakan na maaring dumating s kanila tuwing magkakaroon ng sakuna. (PIO Lucena/R.Lim)

No comments