Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala, Dumalo sa isinagawang Distribution of Agricultural and Fisheries Inputs sa Lungsod

Dumalo sa isinagawang distribution of agricultural and fisheries inputs sa mga farmers and fisherfolks sa lungsod si Mayor Roderick “Dondo...

Dumalo sa isinagawang distribution of agricultural and fisheries inputs sa mga farmers and fisherfolks sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Rice Processing Center II sa bahagi ng Barangay Ibabang Talim.

Kasama rin ng Alkalde sina Konsehal Vic Paulo, Dating Konsehal Danny Faller, Amer Lacerna, Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traquiña at si Kapitan Rolly Ebreo ng nasabing barangay.

Ganoon din sina Irish Fernandez mula sa Regional Field Office 4A ng DA at Provincial Office ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bagong head na si Virginia Bartolome.

Ang mga kagamitan na ipinamahagi ng Ahensiya ng Department of Agriculture ay ang mga sumusunod 184 Certified Seeds, 20 Bags Certified Hybrid Seeds, 100 bags of asian haybrid corn seeds, 6 na Motorized Banca package at iba pa. 

Pinangunahan naman ng City Agriculturist Office ang naturang aktibidad sa pamumuno ng head nito na si Melissa Letargo.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, ay taus-pusong nagpasalamat ito sa Regional Office ng DA at sa tanggapan ng City Agriculture Office.

Sa dami ng mga pinamahagi ng mga ito kagamitan sa magsasaka at mga mangingisda.
Sinabi naman ng Punong lungsod, hindi naman niya pinababayaan ang sektor ng agrikultura lalong lalo na ang mga farmers pederation dito sa lungsod.

Ayon pa dito naglalaan ng pundo ang pamahalaan panlungsod para sa pangangailangan ng nasabing sektor.

Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, na kung ano aniya ang mga programa ng agriculture ay lalo pa nilang pagtitibayin at pagagandahin.

Sa huli ay pinasalamat muli nito ang tanggapan ng BFAR, Department of Agriculture at ang lahat ng mga nabigyan ng Benipisaryo.  

Samantalang sa naging panayam ng TV12 kay City Agriculturist Head Melissa Letargo ang mga nabigyan ng Benipisyo ngagricultural inputs ay mga Rice Farmers na miyembro ng Bukludan na Magsasaka ng Bagong Lucena.

Ang mga ibinigay naman sa Seedlings ay ang mga Miyembro ng Pederasyon ng mga gulay at prutas na pinamumunuan ni Dante Salamat, at ang Pangulo ng Bukludan ng magsasaka ng bagong lucena ay si kagawad Melchor Cobillano.

Dagdag pa ni Letargo, nagbigay rin ng Banca at gillnet sa ilang mga mangingisda sa lungsod.
Patuloy naman ang administrasyon ng bagong lucena sa ilalim ng pamamumuno ni Mayor Dondon Alcala ng pamamaraan upang matulungang ang sektor ng Agrikutura sa Lungsod na ang tanging hangad ay mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga ito.
Nagpasalamat naman ang mga dumalong mga magsasaka at mangingisda sa kanilang natanggap na kagamitan ito. (PIO Lucena/ J Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.