“Hindi na po dapat na pagkakitaan pa at hindi na rin dapat na pagtubuan pa ng mga mobilizer ang ating mga taga rito po sa ating lungsod. Al...
“Hindi na po dapat na pagkakitaan pa at hindi na rin dapat na pagtubuan pa ng mga mobilizer ang ating mga taga rito po sa ating lungsod. Alam po natin na ang nasa sektor ng urban poor ang medyo nahihirapan kung kaya kinakailangan natin na ang mga ito ay ating tulungan na siya naman pong ginagawa ng pamahalaang panlungsod ng Lucena.”
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, isa sa mga ginagawang pagtulong ng city government sa nasabing sektor ay ang pagtatayo ng limang building na tenements sa bahagi ng Brgy. Market View.
Dagdag pa ng alkalde, bukod pa rin dito ang mga nakakausap nila na may-ari ng mga lupa na kung saan ay napapababa nila ang presyo ng mga ito upang mas madali at mas murang mabayaran ng mga naninirahang informal settlers sa Lucena.
Ayon pa rin kay Mayor Alcala, ang mga nasabing sektor ay nasa hanay ng mga sinasabing mahihirap kung kaya kinakailangan na hindi na ang mga ito hingian pa ng kung anu-anung fess tulad ng registration fee, membership fee at ang fee sa pagpapasukat ng kanilang lupa kundi bagkus ay kinakailangan pa aniya na alalayan ang mga ito.
Ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng programa at proyekto ay ilan lamang sa mga Inisyatiba ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa pagnanais niya na ang lahat ng mga informal settlers sa lungsod ay matulungan na magkaroon ng sarili nilang tahanan sa pamamagitan ng mga murang pabahay na ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod para sa mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)
Ito ang inihayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na flag raising ceremony kamakailan hinggil sa pagtulong sa mga informal settlers sa lungsod.

No comments