Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Memorandum of Understanding sa pagitan ng Meralco at ng City Government of Lucena, isinagawa

Pormal na isinagawa ang ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng Meralco at nang pamahalaang panlungsod kamakailan. Gin...

Pormal na isinagawa ang ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng Meralco at nang pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa conference room ng Mayor’s Office na kung saan ay pinangunahan ito nina Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa bahagi ng city government at ni Sir Benjamin Nolasco ang AVP & Head ng HMB for South Business Area para naman sa Meralco.
Kasama rin mga nasabing opisyales sina Ms. Alleni Pascual, ang Head ng Lucena Business Center ng Meralco, Councilor Anacleto Alcala III, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., ang anak ng alkalde na si Mark Alcala, ilang mga department heads ng pamahalaang panlungsod at mga opisyales ng Meralco.

Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng mensahe si Sir Nolasco sa mga dumalo dito na kung saan ay kaniyang pinasalamatan ang city government of Lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa kanilang ahensya.

Gayundin inihayag rin nito ang kaniyang pagkamangha at paghanga kay Mayor Alcala sa magandang pagbabago ng lungsod ng Lucena, na sa kaniyang pagbalik ay malaki na aniya ang naging pagbabago dito lalo na sa usapin ng pag-unlad.

Samantala sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan rin ang pamunuan ng Meralco sa pagsasagawa ng ganitong uri ng proyekto na kung saan aniya ay matagal nang mayroong partnership ang city government of Lucena at ang naturang ahensiya ngunit sa pagkakataong ito ay kanila na itong gagawing pormal.

Bukod pa rin aniya dito ang ginagawang pagtulong sa lahat ng mga pangangailangan ng pamahalaang panlungsod pagdating sa uasapin ng pagpapailaw sa Lucena.

Lubos ring pinasalamatan ni Mayor Alcala ang pamunuaan ng Meralco sa pagtulong nito sa isa sa mga progama ng pamahalaang panlungsod na libreng pailaw sa ilang mga barangay, particular na sa Brgy. Ibabang Iyam, na lubos na nakatutulong sa mga mamamayan ng lungsod.

Matapos nang pananalita ng mga nabanggit na opisyales, pormal nang nilagdaan ng mga ito ang nasabing mga papeles bilang pagpapatunay ng kanilang maayos na samahan.

Ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng aktibidad ay pagpapatunay lamang na maraming mga kumpanya ang patuloy na nagtitiwala sa maayos na panunungkulan ni Mayor Dondon Alcala dahilan upang mas lalo pa at patuloy na umunalad ang Bagong Lucena. (PIO LUcena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.