33 REGISTERED NURSES MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH ANG NAGBIGAY KORTESIYA KAY MAYOR DONDON ALCALA AT HEPE NG CITY HEALTH OFFICE NA SI DRA...
33 REGISTERED NURSES MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH ANG NAGBIGAY KORTESIYA KAY MAYOR DONDON ALCALA AT HEPE NG CITY HEALTH OFFICE NA SI DRA. JOCELYN CHUA |
ANG MGA KARAGDAGANG NURSES AY NASA ILALIM NG DEPLOYMENT PROGRAM NG DOH KUNG SAAN IDINEDEPLOY ANG MGA NURSES SA IBA’T-IBANG LUNGSOD AT MUNISIPALIDAD SA BANSA UPANG MATUGUNAN ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN AT BILANG ISANG HIGHLY-URBANIZED CITY ANG LUCENA, MAS MARAMING MGA NURSES ANG IBINABABA NG DOH SA LUNGSOD UPANG MAS MARAMING MAGING KATUWANG ANG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAGPAPAPTIBAY AT PAGPAPALAGO NG LIPUNAN.
AYON KAY CHONA FLORES, NURSE 3 NG CHO, ANG MGA BAGONG DEPLOY NA NURSES AY ITATALAGA NG KANILANG TANGGAPAN SA 48 BARANGAY HEALTH CENTERS SA LUNGSOD UPANG MAKAAGAPAY NG MGA KAWANI NG CHO SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN NG MGA LUCENAHIN LALO’T HIGIT SA MGA BARANGAY NA MALAKI ANG POPULASYON GAYA NG BRGY. GULANG-GULANG, COTTA, IBABANG DUPAY, AT IYAM.
ANG MGA NURSES NA ITO ANG MAGIGING RESPONSIBLE SA KALUSUGAN NG DAAN-DAANG MAMAMAYANG SAKOP NG BARANGAY HELATH STATIONS NA IAASSIGN SA KANILA.
SA TULONG RIN NG MGA ITO, MAIPATUTUPAD NANG MAS MAAYOS ANG MGA PROGRAMANG IBINABABA NG DOH SA MGA LUNGSOD AT MUNISIPALIDAD SA BANSA GAYA NG NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM KUNG SAAN LAHAT NG MAG KABATAAN SA ISANG LUGAR AY KAILANGANG TURUKAN NG IBA’T-IBANG BAKUNA.
GAYUNDIN PAGDATING SA IBA PANG MGA PANGKALUSUGANG PROGRAMA MULA SA NASYONAL NA LEBEL GAYA NG FAMILY PLANNING, NON COMMUNICABLE DESEASES PROGRAM, MATERNAL PROGRAM AT MARAMI PANG IBA. (PIO LUCENA/C. ZAPANTA)
No comments