Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga bagong opisyales ng barangay sa lungsod, pormal na nanumpa sa kanilang tungkulin

Upang tunay na makapgsilbi sa kanilang mga nasasakupan, pormal na namunpa sa kanilang tungkulina ng mga bagong opisyales ng barangay sa lun...

Upang tunay na makapgsilbi sa kanilang mga nasasakupan, pormal na namunpa sa kanilang tungkulina ng mga bagong opisyales ng barangay sa lungsod ng Lucena kamakailan.

Ang panunumpang ito ay ginanap sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit na kung saan ay dinaluhan ito ng mga kapitan kasama ang kanilang mga kagawad sa lungsod.

Maging ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena aty nakibahagi rito na pinangunahan ni Vice Myor Philip Castillo, kasama ang mga konsehales na sina Anacleto Alcala III, Atty. Sunshine Abcede-Llaga, Nilo Villapando, Vic Paulo, Atty. Boyet Alejandrino, Dan Zaballero, Abc Prsidente Jacinto “Boy” Jaca, Sanguniaang Kabataan President Patrick Nadera at mga dating konsehal na sina Americo Lacerna at Danny Faller.

Samantala, pinagunahan naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang panunumpang nabanggit kasama sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., at City DILG Director Engr. Danilo Nobleza.

Sa naging pag-uumpisa ng naturang aktibidad, isang misa ang isinagawa dito na kung san ay namuno dito si Bishop Mel Rey Uy.

Matapos ng nabanggit na misa, isinunod na dito ang pormal na program na sinimulan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga manunungkulan na kapitan sa mga barangay sa Lucena.
Kasunod nito ay nagbigay naman ng mensahe ang mga naturang opisyales kasunod ang naging talumpati ni Mayor Dondon Alcala na kung saan ay kaniyang binati ang mga ito maging ang kanilang mga kagawad.

Gayundin, nagbigay rin ng mensahe si Mayor Alcala sa mga ito na takahin ang landas ng tunay na pagbabago na kanilang dapat na tahakin para sa maayos na pagsisilbi sa kanilang barangay at sa kanilang mga nasasakupan.

Sa huli ay nagbigay ng hamon ang alkalde sa mga bagong hiniirang na opisyales ng barangay na nararapat na pagsilbihan ng mga ito ang mgamamamayan sa kanilang lugar ng maayos, malinis at tapat na paglilingkod at patuloy na makiisa at makibahagi sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod na sadya aniyang malaki ang naitutulong para sa kanila at sa kanilang mga kabarangay.

Matapos ng pananalita ng punong lungsod ay pormal na nanumpa ang mga kapitan ng barangay at mga kagawad nito kay Mayor Alcala bilang hudyat ng pagtanggap sa kanilang posisyon.
Kasunod naman nito ay isa-saing nagpakuha ng larawan ang mga opisyales ng barangay kasama sina Mayor Dondon Alcala, Vice Mayor Philip Castillo at mga konsehales ng lungsod bilang kanilang souvenir sa naturang okasyon.

Ang panunumpang ito ng mga bagong opisyales ng bawat barangay sa Lucena ay bilang pagpapatunay na nakahanda silang tanggapin ang iniaatang sa kanilang tungkulin at ito ay ang paglingkuran ang mga mamamayan sa kanilang lugar ng tapat, malinis at maayos na paglilingkod. (PIO LUcena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.