SA PAGNANAIS NA MAS MAIPATUPAD NANG MABUTI ANG MGA LOKAL NA ORDINANSA, NILINAW NG HEPE NG LUCENA PNP NA SI P/SUPT. ROMULO ALBACEA NA NAKIKI...
SA PAGNANAIS NA MAS MAIPATUPAD NANG MABUTI ANG MGA LOKAL NA ORDINANSA, NILINAW NG HEPE NG LUCENA PNP NA SI P/SUPT. ROMULO ALBACEA NA NAKIKIPAGTULUNGAN ANG KANILANG AHENSYA SA MGA OPISYALES NG MGA BARANGAY PARTIKULAR NA SA MGA BRGY. TANOD.
KAUGNAY PA RIN NG USAPIN HINGGIL SA MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG MGA LOKAL NA ORDINASA NA NABIGYAN NG HIGIT NA ATENSYON DAHIL SA OPLAN TAMBAY NA ISINASAGAWA NG MGA KAPULISAN SA KAMAYNILAAN, IMINUNGKAHI NI KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO KAY ALBACEA NA MAKIPAG TULUNGAN SA PWERSA NA NAGMUMULA SA BARANGAY NA LEBEL PARTIKULAR NA SA GRUPO NG MGA BRGY. TANOD.
BILANG TUGON AY INIHAYAG NI ALBACEA NA MARAMING BESES NANG PUMASYAL ANG KANILANG GRUPO SA MGA BRGY. UPANG ILAPIT SA MGA ITO ANG KINAKAILANGAN NILANG DAGDAG NA PWERSA UPANG MAIPATUPAD ANG MGA ORDINANSA.
AMINADO SI ALBACEA NA NAGIGING MALAKING KATULUNGAN SA KAPULISAN ANG PAKIKIISA AT PAGGAMPAN NG MGA ITO SA KANI-KANILANG TUNGKULIN SAPAGKAT MABILIS NA NAAAKSYUNAN ANG MGA KAGULUHANG NANGYAYARI SA MGA BARANGAY LALO’T HIGIT SA MGA BARANGAY NA MALAYO SA KABAYANAN.
SA PAGTATAPOS UMANO NG PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG MGA BAGONG OPISYALES NG MGA BARANGAY, NAGSISIMULA NA RIN ANG KANILANG GRUPO NA BIGYAN NG TRAINING ANG MGA BRGY. TANOD UPANG MABIGYAN ANG MAG ITO NG PAALALA AT KAALAMAN HINGGIL SA KANILANG MGA DAPAT NA GAMPANANG TUNGKULIN. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)

No comments